Posted January 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bumaba ngayong taong 2015 ng 33.35% ang naitalang kaso ng
dengue sa probinsya ng Aklan kumpara sa nakalipas na taong 2014.
Ito base sa datos ng Aklan Provincial Epidemiology
Surveillance and Response Unit (APESRU) kung saang naitala noong 2015 ang 1,137
na kaso kumpara noong 2014 na 1,706.
Maliban dito wala namang naitalang namatay ang APESRU
dahil sa dengue nitong 2015 hindi katulad noong 2014 na merong dalawa ang
binawian ng buhay.
Kaugnay nito, nangunguna parin ang mga bayan ng Kalibo sa
may pinakamaraming kaso ng dengue sa Aklan na sinundan naman ng Numancia at
bayan ng Malay.
Samantala, pinayuhan ngayon ng Provincial Health Office
ng Aklan ang publiko na panatilihin ang paglilinis sa kanilang mga lugar upang
maiwasan ang dengue kasama na ang pagsunod sa mga panuntutin kung nakakaranas
ng mga sintomas nito.
No comments:
Post a Comment