Posted January 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa isang linggong selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2016
sa bayan ng Kalibo, ay walang naitala ang mga kapulisan na malalaking insidente
kaugnay sa naturang okasyon.
Dahil dito pinasalamatan ni Police Senior Superintendent
John Mitchell Jamili, OIC ng Aklan PPO sa ginawang send off ceremony kahapon ng
umaga ang mga kapulisan na na-augment sa nasabing kapistan ni Sr. Sto. NiƱo.
Bukod sa Aklan PNP pinasalamatan din nito ang mga
stakeholders na tumulong para maging mapayapa ang selebrasyon ng Ati-Atihan
Festival.
Maliban dito, binanggit din ni Jamili sa kanyang speech
ang mga Aklanon, Balikbayan at mga turista na nakipag-cooperate sa matiwasay na
okasyon at sa pagsunod sa mga regulasyon at panuntunan ng Aklan PNP at ng LGU
Kalibo.
Nabatid na walang naitalang major crimes at insidente
kaugnay sa Ati-Atihan sa loob ng isang linggong selebrasyon.
Si Jamili ay bagong upong OIC ng APPO nitong nakaraang
linggo mula sa Region 6 kapalit ni PSSUPT Iver Apellido.
No comments:
Post a Comment