Posted January 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang grupong Black beauty boys ng Linabuan Norte, Kalibo,
Aklan ang muling tinanghal na kampyon sa ikaw-anim na pagkakataon sa ginanap na
Kalibo Santo Niňo
Ati-atihan Festival 2016.
Maliban dito ang mga nanalo naman sa Modern category na
nakatanggap ng consolation prize na P3, 000 ay ang Bae-ot-Bae-ot at Roadside,
habang nakakuha naman ng P5,000 ang grupo ng Pirates at Pilgrimages.
Nasa 3rd place naman ang D’imagine na nakakuha
ng P15, 000; 2nd place ang Pagmuk-eat na nakatanggap naman ng P25, 000 habang
P60, 000 naman sa nag-champion na tribu Aeang-Aeang.
Kaugnay nito ang mga nanalo naman sa Balik-Ati tribe na
may walong grupo ay ang Lilo-anong ati at si Datu Marikudo na nakatanggap ng
P15, 000 bilang 3rd place habang 2nd place ang Apo ni Inday na
nakatanggap ng P25, 000 at ang kampyon ay Tribu ng Ilayanon at mga Inapo ni Candido
na umuwi ng P60, 000 habang nakakuha naman P3, 000 consolation prize ang tribu
Maninikop, Sinikyaw na Ati at Anono-o.
Habang sa tribu naman ng small category na may anim na
entry ay ang mga nanalo ay Lezo Tribe, Tribu responde at Tikbalang na nakatanggap
ng P8, 000.
Nasa 3rd place naman ang tribu Alibang-bang na
nakatanggap ng P30, 000; 2nd place ang Niñolitos na nakatanggap ng
P60, 000 at P70, 000 naman sa nagkampyong Tribu bukid Tigayon.
Ang nanalo naman sa Tribu ng Big category na may walong
entry ang nakatanggap ng P10, 000 ay ang Kamanggahan tribe, tribu Tiis-Tiis, Eanasnon
group at Maharlika tribe Vikings.
Nasa 3rd place naman ang Pangawasan tribe na
tumanggap ng P50, 000, 2nd place ang Kabog na nakakuha ng P80, 000
at P170, 000 naman sa ika-anim na taong
pagkapangalo ang entry ng Black beauty boys ng Brgy. Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.
Ang Ati-Atihan Festival ay ginanap nitong Enero 8
hanggang Enero 17, 2016 bilang pagselebra sa kapistahan ni Sr. Sto. Niño.
No comments:
Post a Comment