Posted October 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Panibago na
namang Commissioner ang inireklamo ng dalawang turistang magkapatid sa kanilang
kinuhang water sports activity sa harap ng isang hotel sa Station 2.
Kinilala ang
dalawang magkapatid na biktima na sina Mary France Paula Relucano at Mary
France Dyan Relucano, native ng Santa Cruz Laguna at temporaryong nakatira sa
isang hotel sa naturang lugar.
Sa report ng
biktima sa Boracay PNP, pinangakuan umano sila ng suspek na si certain “Jesvin”
ng tatlong water sports activity kahapon kung saan ito ay Island Hopping,
Helmet Diving at Parasailing.
Nabatid na
nagbayad ng P 1,000 ang biktima sa suspek para sa kanilang downpayment kung
saan kanila namang ginawa ang dalawang activity na Island Hopping at Helmet
Diving.
Matapos nito ay
hiningan umano ng suspek ang dalawa ng P 1, 400 para sa kanailang Parasailing
activity kung saan na binayaran naman ng mga ito subalit ng sila na ay
magkikita para gawin ang Sports activity ay hindi na ito nagpakita.
Samantala, agad
naman nila itong inireport sa Boracay PNP kung saan patuloy parin ang
ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para tugusin ang nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment