Posted May 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naka-code white alert umano sa darating na eleksyon sa
Lunes ang Provincial Health Office (PHO) Aklan.
Ito ang sinabi ni Aklan Provincial Health Officer II Dr.
Victor Sta. Maria, sa panayam ng himpilang ito kahapon.
Ayon kay Sta. Maria nakatakdang mag-deploy ang Department
of Health (DOH) ng 16 na health team sa ibat-ibang presento sa bawat lalawigan lalo
na doon sa madaming mga botante.
Maliban dito nakipag-coordinate na din umano sila sa 17
bayan sa Aklan para sa kanilang itatayong medical assistance desk na magsisilbing
first aid clinic para ayudahan ang mga botante na posibleng makaranas ng
pagkahilo dahil sa init ng panahon at haba ng pila sa mga polling center sa May
9, 2016.
Samnatala, maging ang mga Rural Health Unit umano sa mga
lugar sa probinsya ay nakahanda na rin sakaling magkaroon ng inaasahang pagsama
ng pakiramdam.
Nabatid na nauna ng nakipag-pulong ang Comelec sa DOH
para sa pakikipag-sanib pwersa sa isasagawang national and local election 2016
ngayong Lunes.
No comments:
Post a Comment