Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni
Deputy Director Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP sa himpilang
ito sa kakatapos lang na LaBoracay na nag-umpisa noong Abril 26 hanggang May 1,
2016.
Ayon kay Gesulga,
wala namang naitalang major incident ang kanilang istasyon kung saan
normal lamang umano ang kaganapan na physical injury at
theft incident.
Idinagdag pa ni Gesulga na peaceful ang naturang event sa kabila ng pagtaas ng record na naitala ng Department of Tourism (DOT) sa tourist arrival sa isla ng Boracay kung saan tumaas ito ng limang libo kumpara noong nakaraang taon sa ginanap ring laBoarcay na umabot lamang sa 40, 051.
Nabatid na dahil
umano sa full-force na pa-kikipagtulungan ng mga force multipliers sa Boracay
PNP ay naging maayos ang kanilang pagbabantay kung saan hindi naman sila
nahirapan sa pag-deploy ng mga pulis personnel sa mga lugar kung saan ang mga
event.
Samantala, nagpapasalamat
naman ang Boracay PNP sa hindi nawawalang commitment ng mga event organizer sa
kabila ng pagpapatawag ng meeting sa kanila sa pagbibigay ng mga guidelines,
rules and regulation sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin bago paman
mag-umpisa ang event.
No comments:
Post a Comment