Posted May 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpapatuloy parin ang “Operation Baklas” ng Provincial
Environment and Natural Resources (PENRO) sa mga poster ng mga kandidato na
nakalagay sa mga punong kahoy.
Ayon kay PENRO Assistant Public Information Marlon Vidal,
pinaprayoridad umano nila ang mga malalayong lugar sa probinsya na maraming mga
nakalagay na poster sa mga punong kahoy.
Target din umano nilang makuha ang lahat ng mga ito bago
ang magaganap na halalan sa Mayo 9, 2016 kung saan ipinag-uutos na rin ng
Comelec na baklasin ang lahat ng mga poster hanggang bago ang campaign period.
Nabatid na sa kabila ng panawagan ng PENRO at Comelec na
huwag maglagay o magpako ng mga campaign materials sa mga kahoy ay mayroon paring
mga pasaway na gumagawa nito.
Samantala, nahaharap naman sa mga penalidad ang mga taong
nasa likod ng pagpapako ng mga poster sa punong kahoy dahil sa paglabag sa batas
pangkalikasan.
No comments:
Post a Comment