Posted December 21, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Panunuka at
pananakit ng tiyan ang inabot ng magkasintahan sa Boracay matapos umanong ma
food poisoning ang mga ito sa kinaing steak sa isang kainan sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay,
Malay, Aklan.
Sa report ng
Boracay PNP, nakilala ang magkasintahan na sina Kent Fontaine 23-anyos
at ang girlfriend nitong si Angela
Truong 21-anyos na residente ng nasabing lugar.
Nabatid na
umorder ang dalawa ng steak sa isang waitress ngunit sinabi umano sa kanila na
hindi pa itong puweding kainin dahil may mali pa umano sa naturang pagkain.
Ngunit sa kabila
nito sinabi umano sa kanila ng mismong may-ari ng restaurant na puwedi na itong
kainin kung saan inutusan naman nito ang waitress na e-serve na ito sa dalawa.
Dahil dito,
nakaramdam umano ang dalawa ng makauwi sa kanilang bahay ng pananakit ng tiyan
at panunuka kung saan agad naman silang isinugod sa isang pagamutan sa Boracay.
Samantala base sa
sumuring doktor sa dalawa, lumalabas na nagtamo umano ang mga ito ng “Ecoli
Parasite”.
Ang nasabing kaso
ay idinulog ng Boracay PNP sa Bureau of Food and Drugs (BFAR) at iba pang kinauukulang ahensiya.
No comments:
Post a Comment