Posted December 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Handa na umano ang Aklan Provincial Health Office at ang
lahat ng mga hospital sa Aklan ngayong darating na kapaskuhan at bagong taon.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer
I, nasa white-alert na umano ngayon ang kanilang hanay sa pamamagitan ng
pagbibigay medical attention sa lahat ng mga pasyente lalo na yaong mga maaaring
mabiktima ng paputok.
Sinabi ni Cuachon na ang paglagay sa white alert ay base
sa mandato ng Department of Health kung saan awtomatiko itong ipinapatupad
tuwing holiday season.
Samantala, hinikayat naman ni Cuachon ang publiko na
iwasan ang paggamit ng mga paputok lalo na ang mga kabataan na kadalasang
nabibiktima nito.
No comments:
Post a Comment