Posted December 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pormal ng nilagdaan nitong Desyembre 1, 2015 ni Mayor John
Yap ng Malay ang kautusan na kumikilala sa Boracay Action group (BAG) bilang
leader ng mga law enforcement sa isla.
Base sa nilalaman ng Executive Order No. 11 series of
2015 ni Yap, dito nakapaloob na ang tungkulin ng BAG ay mag-monitor at patindihin
ang implementasyon ng Anti-Trafficking in Person and Violence Against Women and
their Children sa munisipalidad ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.
Nabatid na ang BAG ang mamumuno sa mga grupo na
kinabibilangan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Tourist Regulatory Enforcement
(TREU) at Malay Auxiliary Police (MAP).
Napag-alaman na layun nito na mabawasan ang tumataas na
kaso ng human trafficking laban sa mga kababaihan at mga kabataan.
Samantala, itinalaga naman ng Boracay Action Group bilang
Head of the Secretariat and Supervising Officer ng Malay Auxiliary Police si
Felix Delos Santos.
No comments:
Post a Comment