Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong araw simula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng
hapon ay nakatakda umanong mag-noise barrage protest ang ilang residente sa
Caticlan Malay.
Ito’y laban sa pamunuan ng Caticlan Airport dahil sa
kanilang ginagawang expansion project ng nasabing paliparan.
Nabatid na ilang residente o land owners ang apektado ng
nasabing proyekto kabilang na rito ang paaralan at pagamutan.
Pangungunahan naman ng grupong No To Boracay Airport ang nasabing
protesta bilang paraan umano nila na ipaglaban ang kanilang mga nasasakupang
lupain na apektado ng expansion project.
Ang expansion project ay ginagawa para gawing
International Airport ang kasalukuyang paliparan na inaasahang matatapos sa
taong 2018.
No comments:
Post a Comment