Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakakalungkot ang sinapit ng isang estudyante matapos na
agad binawiaan ng buhay sa nangyaring aksidente sa bayan ng Buruanga, Aklan
kaninang alas-11 ng umaga.
Sa report ng Buruanga, PNP, nakilala ang biktimang si Martina
Joyce Flores, 14 anyos, estudyante at residente ng Brgy. Balusbos, Buruanga.
Maliban sa namatay na biktima, walo pang mga menor
de-edad na estudyante ang nasugatan na sakay rin sa nasabing tricycle.
Base sa ginawang imbestigasyon ng Burunga PNP, mabilis
umano ang pagpapatakbo ng sasakyan ng driver na si Philip Ostan, 32-anyos na
residente ng Brgy. Katipunan ng nasabi ring bayan.
Nabatid na sumakay ang mga biktima sa naturang sasakyan
mula sa Buruanga Vocational School papuntang bayan kung saan dahil sa sinasabing
mabilis na pagpapatakbo ng driver ay nawalan ito ng kontrol dahilan para ito ay
bumaliktad.
Sa ngayon patuloy na ginagamot sa pagamutan ang mga biktima
kung saan si Flores ay mabilis na binawiaan ng buhay matapos hindi agad na
agapan.
Samantala, ang driver na si Ostan ay nahaharap naman sa
kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide and Multiple Physical
Injuries.
No comments:
Post a Comment