Posted September 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi parin pinahihintulutan ng Bureau of Fisheries and
Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na kumain ng shellfish na galing sa Roxas
City at sa bayan ng Batan sa Aklan.
Ito’y dahil sa nakaamba parin ang red tide sa dalawang
bayan sa Capiz na kinabibilangan ng Ivisan at Sapian na sinundan naman ng bayan
ng Batan.
Ayon sa BFAR Aklan, hindi parin umano ligtas ang pagkain ng
shellfish o Alamang dahil positibo pa ito sa toxicity level na dulot ng red
tide.
Kaugnay nito iginiit naman ng BFAR na ligtas namang
kainin ang isda, hipon, squids at alimango sa lugar kung ito ay fresh at
nahugasan ng mabuti at kung nakuha ang internal organs katulad ng hasang bago
lutuin.
Matatandaan nitong nakaraang linggo ng ipinatigil ng BFAR
ang pagbili at pag-angkat sa ibang lugar ng mga shellfish dahil sa sumirit na
red tide.
Ang Capiz ay kilala bilang sea foods capital of the
Philippines habang ang bayan ng Batan sa Aklan ay kilala rin dahil sa mga
naglalakihang fishpond.
No comments:
Post a Comment