Posted September 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakipagharap na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang dalawang
inirereklamong private helipad sa Boracay na pagmamay-ari ng Asian Aerospace at
LionAir Inc.
Sa ginanap na 32nd Regular Session dumalo sa
naturang session si Captain Mohn Ray Raquino operations Manager ng LionAir Inc.
at Ronilo Garcia Vice President ng Asian Aerospace.
Nabatid na ipinatawag ang dalawang kumpanya dahil sa petition
letter ng mga residente at mga resort sa Boracay kung saan inirereklamo ng mga ito
ang nililihang ingay ng helicopter lalo na tuwing umaga na paikot-ikot lamang
sa loob ng isla.
Dahil dito napag-usapan sa Session ang naturang problema
kung saan napagkasunduan na kailangang magsimula ang kanilang operasyon ng
alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon, may 100 metro ang layo mula sa beach
at bawal ang paikot-ikot sa loob ng isla maliban kung sila ay magti-take off o
magla-landing.
Napag-alaman na ang dalawang helipad ay nag-ooperate sa
Boracay bilang Air Ambulance at helipad tours kung saan inaarkila ito ng mga
turista para makita ang areal view ng isla.
No comments:
Post a Comment