Posted September 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagkaroon ng surprise visit ang bagong Department of
Interior and Local Government (DILG) secretary na si Mel Senen Mariano sa
Boracay Tourist Assistance Center nitong Huwebes.
Ito ay bago siya pormal na ipakilala ni Pangulong Aquino
kahapon bilang bagong DILG secretary kapalit nang nag-resign na si Mar Roxas.
Dito pormal niyang naka-usap si Boracay PNP Officer In-Charge
PSInsp. Fidel Gentallan para malaman ang mga issues at concerns sa Boracay
dahil sa isa ito sa pangunahing tourist spots sa bansa.
Ayon naman kay Gentallan, inalam din umano ni Mariano na
kinakaharap ng Boracay PNP pagdating sa peace and order.
Nabatid na ang ginawang surprise visit ni Mariano ay
kasabay ng ginanap na Philippine Councilors League sa Boracay nitong Huwebes
kung saan isa siya sa mga naging panauhing pandangal.
No comments:
Post a Comment