Posted September 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling tinalakay sa Sangguniang Bayan ng Malay ang
request ng United Brilliant International Gaming, Inc. na mag-operate ng
foreign junket gaming tables sa isang resort sa Boracay.
Sa 32nd Regular Session ng Malay kahapon
napag-usapan sa 2nd reading ang nasabing request sa pamumuno ni SB
Member Rowen Aguirre na siyang chairman ng committee on laws.
Ayon kay Aguirre nagsawaga na umano sila ng committee
hearing tungkol dito matapos ang request ng nasabing kumpanya sa SB Malay.
Samantala, sinabi umano sa hearing ng United Brilliant na
ang maaari lamang umanong maglaro sa gaming tables ay mga foreign nationals kung
saan mahigpit din nila itong ipagbabawal sa local players.
Sinasabi din na ang junket gaming tables ay hindi katulad
ng Casino kung saan wala itong mga slot machines at puro lamang sila card.
Nabatid na ang request ng United Brilliant International
Gaming, Inc. ay muling tatalakayin sa 2nd at final reading sa
susunod na Session kung saan dito malalaman kung ito ba ay maaaprobahan o
hindi.
No comments:
Post a Comment