Posted May 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pansamantalang pinakansila ni Malay Vice Mayor Welbec
Gelito ang color coding ng mga tricycle unit sa Boracay dahil sa dami ng
turista.
Ayon kay Boracay Land Transportation Multi Purpose
Cooperative Board of Director Enrique Gelito, nagpadala umano sa kanila ng
sulat si Vice Mayor para hilingin na kung maaari ay ikansila muna ang color
coding dulot ng kakulangan ng masasakyang tricycle sa isla.
Sinabi nito na simula kahapon ng ala-sais ay sinimulan
nilang suspendihin ang color coding hanggang sa Mayo 3 kung saan inaasahan ang
pagdagsa ng maraming turista dahil sa LaBoracay ngayong araw hanggang Linggo.
Dagdag pa nito na lalong tumindi ang traffic ng mga
sasakyan sa mainroad dahil sa nasabing suspensyon na matatapos sa susunod na
araw.
Samantala, sinabi pa ni Gelito na nakatakda silang
magsagawa ng inspeksyon sa lahat ng mga tricycle at multicab driver na sakop ng
kanilang kooperatiba kung ang mga ito ay miyembro nila kasama na ang proper
grooming.
Nabatid na doble-doble ang bilang ngayon ng mga turista
sa Boracay na karamihan ay puro magbabarkada para makisaya sa sikat na
LaBoracay o party on the beach.
No comments:
Post a Comment