Posted April 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaabangan na ng mga turista sa isla ang tinatawag na
LaBoracay kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ngayong unang araw sa buwan ng
Mayo.
Katunayan dagsa na ang mga local tourist sa isla para sa
nasabing event na ikalawang taon palang isinasagawa sa Boracay.
Nabatid na ang LaBoracay ay nagmula sa bansag ng mga
turista matapos na sunod-sunod ang isinagawag beach party noong nakaraang taon
kung saan ito ay handog ng mga malalaking negosyo sa bansa katulad ng mga alak
kasama na ang mga sikat na artista.
Samantala, dahil sa inaasahang dagsa ng libo-libong tao
ngayong mga susunod na araw todo handa naman sa kanilang gagawing seguridad ang
Boracay PNP katuwang ang ibang mga otoridad sa isla.
Maliban dito nakikiusap naman ang Boracay Foundation
Incorporation (BFI) sa mga beach goers at makikisayasa sa LaBoracay na kung
maaari ay iwasan ang pagkakalat ng basura sa dalampasigan lalo na ang pag-iwan
bote ng alak na nakakasira sa puting buhangin ng isla.
No comments:
Post a Comment