Posted May 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Sasaklolohan ng DOST o Department of Science and
Technology ang problema sa septic waste water ng Boracay.
Katunayan, nabatid na tumungo na rito sa isla ng Boracay
dalawang linggo na ang nakalilipas, ang grupong pinangunahan mismo ni Dr.
Merlinda Palencia mula sa Adamson University.
Nagsagawa na pala ang mga ito ng pagsusuri o testing sa
mga septic tanks ng ilang hotel sa isla gamit ang kanilang ORGANOMINERALS
technology.
Sa pamamagitan ng ORGANOMINERALS, nabatid na iti-treat o
lilinisin ang maruming tubig mula sa mga hotel sa isla gamit ang tinatawag
portable waste water treatment system.
Base naman sa press release ng DOST, nabatid na unang
ginamit ang ganitong teknolohiya sa Tacloban matapos ang trahedyang dala ng
nagdaang bagyong Yolanda, kung saan naging positibo umano ang resulta nito.
Ito rin umano ang nagtulak sa DOST upang tulungan ngayon
ang isla ng Boracay.
Samantala, nabatid na nagpahayag na rin ngayon ng interes sa nasabing teknolohiya ang LGU Malay, kung kaya’t iminungkahi mismo ni Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo sa grupo nina Palencia na gumawa na ang mga ito ng proposal at policy recommendations.

No comments:
Post a Comment