Posted May 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kakalabas lamang kasi nito mula sa Cagban Port pasado
alas 2:00 kaninang hapon nang pumalya habang nasa paakyat na bahagi na ng
kalsada.
Sa labis na pagtataka ng driver, kaagad niyang itinabi
ang E-Trike at tiningnan.
Kaagad din itong tumawag ng ‘rescue’ sa kanyang mga
kasama matapos makitang umaapoy na ang kable sa likurang upuan ng sasakyan.
Maliban dito, may usok na rin palang lumalabas sa bahagi
ng kisame nito na nasaksihan din ng ilang pasahero.
Duda naman ang ilang napadaan sa lugar na faulty
electrical wiring ang sanhi ng insidente.
Samantala, nabatid na ikinabahala din mga pasahero ng mga
sumunod ditong sasakyan ang pagpalya ng nasabing E-Trike lalo pa’t delikado
kapag hindi naka-buwelo ang mga umaakyat doon.
No comments:
Post a Comment