Posted May 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Epektibo bukas araw ng Huwebes balik na sa normal ang
biyahe ng mga delivery truck sa Boracay matapos ang Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) meeting nitong
Linggo.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cesar Oczon, maaari
na umanong makapagbiyahe ang mga truck tuwing day-time ngunit magsisimula umano
ito ng alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng tanghali at sa hapon naman ay alas-2
hanggang alas-4 ng hapon at tuwing gabi ay alas-8 hanggang alas-12 ng hating
gabi.
Bagamat bumalik na sa normal ang biyahe hindi naman umano
nila pinapayagan ang pag-deliver ng mga elongated materials tuwing day-time
katulad na lamang ng kawayan at kabilya kung saan ang itinakdang oras rito ay
alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw base sa traffic code.
Sinabi pa ni Oczon na ang lahat ng mag-dedeliver mula sa
Cagban Port papuntang station 2 at Yapak proper ay dadaan sa AKY Tulubhan
palabas ng Lying Inn Laketown kasama na ang mga resort service vehicle.
Samantala, itutuloy naman umano nila ang pagpapatupad ng
re-routing sa D’mall area para mabawasan ang bigat ng trapiko sa nasabing
lugar.
No comments:
Post a Comment