YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Holy Rosary Parish. Show all posts
Showing posts with label Holy Rosary Parish. Show all posts

Tuesday, February 05, 2013

Mga Lay Minister sa Boracay, maglilibot sa mga paaralan sa Ash Wednesday

Bisperas ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ay araw din ng pagpapahid ng abo sa noo o Ash Wednesday para sa mga Romano Katoliko.

Kung saan ito rin ang mismong araw ng pagbubukas para sa gagawing pagpipenitensiya kaugnay sa papalapit na mahal na araw.

Sa panayam kay Rev. Fr.  Jomil B. Zambrona, isa sa mga Team Ministry o pari ng Holy Rosary Parish sa Balabag, ika-13 ng buwang ito araw ng Miyerkules, ay magkakaroon ng misa sa Balabag Church ng alas-6:30 ng umaga gayon din sa dalawa pang chapel sa Boracay sa Yapak at Manoc-manoc.

Ito ay upang mabigyang pagkakataon na makagpapahid ng abo sa noo ang mga Katoliko na nagnanais tumaggap nito.

Maliban dito, ang mga Lay Minister umano ng Parokya sa Boracay ay nag-iikot sa mga paaralan upang makatanggap din ang mga estudyante ng simbolo ng Kristiyanismo, sa kabila na mayroong klase ang mga ito. #ecm022013

Monday, November 26, 2012

Mga Tribu sa Boracay, nais ang tradisyonal na selebrasyon ng Ati-atihan

Hindi man pumayag ang Parish Pastoral Council o PPC ng Holy Rosary Parish sa Boracay, sa proposisyon Municipal Tourism Office o MTO na i-lipat ang skedyul sa pagdiriwang ng Ati-atihan sa isla, bukas parin umano ang simbahan at mga tribu na tumanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Ayon kay PPC President Jony Salme, nagagalak sila sa tulong na nais ipaabot sana ng LGU Malay para mapasaya at gawing makulay ang silibrasyon ng Ati-atihan dito.

Subalit, ang mga tribu na umano ang nagpahayag na nais parin nilang gawin at panatilihing simple, tradisyonal at debosyonal lamang ang selebrasyon, na hindi yaong pang festival na gaya ng nais mangyari ng LGU Malay.

Ganoon pa man, welcome parin umano ayon kay Salme ang tulong ng LGU Malay, lalo na at nais umano ng lokal na pamahalaan ay mapaunlad ang selebrasyon.

Kaya suhistiyon umano ng mga tribu na taunang sumasali, na sa halip aniya na magkaroon ng ilang araw na selebrasyon, bakit hindi nalang ito ibigay bilang tulong sa mga tribu para sa kanilang mga costume at premyo.

Matatandaang binalak ng LGU Malay na hilingin sa simbahan na ilipat sana ang skedyul ng Ati-atihan sa isla para mapaghanadaan ang pagdiriwang.

Sa halip na isagawa ito ng isang araw, may posibilidad na gawing itong tatlo hanggang limang araw, at magkakaroon ng ng iba’t ibang aktibidad.  #ecm112012

Wednesday, October 24, 2012

Iskedyul ng mga misa sa Boracay para sa Undas, inilabas na

Mahigit isang linggo bago ang Undas, nagtakda na ng misa ang Simbahang Katoliko sa Boracay.

Sa inilabas na schedule ng Holy Rosary Parish sa Brgy. Balabag, tatlong misa ang nakatakda sa a-uno ng Nobyembre para sa All Saints at All Souls Day.

Ang unang misa na gaganapin sa Lady of the Holy Rosary Church sa Balabag ay sa alas sais y media ng umaga na nakalaan para sa Pista ng mga Santo.

Dahil sa ang dalawang huling misa na gaganapin sa dalawang sementeryo sa Boracay ay nakalaan naman sa Pista ng mga Kaluluwa.

Dito ay nakatakda ding bendisyunan ang mga puntod at nitso ng mga yumaong mahal sa buhay bilang pag-alala sa mga ito.

Bago basbasan ang mga puntod, isang misa muna ang gagawin sa sementeryo ng Manoc-manoc sa oras na alas-otso ng umaga.

Pagsapit naman ng alas-tres ng hapon ay may isa pang misa na gaganapin sa Sinagpa Cemetery. #pnl102012