YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Philippine Army. Show all posts
Showing posts with label Philippine Army. Show all posts

Tuesday, October 23, 2012

Seguridad sa pagdaong ng Cruise ship sa Sabado, kasado na

Sinimulan nang linisin ang front beach ng pinagsanib na puwersa ng lokal na pamahalaan ng Malay ay Boracay Police kahapon.

Ito ang nabatid mula sa P/S Insp. Jeoffel Cabural, Hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa panayam dito.

Kung saan naging abala ang mga ito sa pagpapatupad ng ordinansa sa Boracay na ipagbawal ang pakalat-kalat na mga paninda sa baybayin lalo na ang mga kumisyuner na nag-aalok ng kung anong sea sports activities.

Kaya kahapon sa pangunguna ni Island Administrator Glenn SacapaƱo at Cabural sa panig ng Pulisya tinangal at pina-alis na rin ang mga vendor na nahimpil sa mga lugar na hindi dapat na naroon ang mga ito.

Ito ay bilang paghahanda na rin ng pamahalaan para sa pagdaong ng Cruise ship na Royal Caribbean Legend of the Seas sa Sabado, ika-27 ng Oktubre.

Inihayag ng Hepe na binigyan na ng lugar ng LGU ang mga kumisyuner upang hindi na maka-esturbo pa at hindi na rin makalapit sa mga turista.

Ayon pa kay Cabural, isang buwan na rin ang ginawa nilang paghahanda para dito kaya umaaasa silang magiging matagumpay ang kanilang operasyon para sa kaligtasan ng lahat.

Halos lahat na puwersa na aniya ng mga friendly forces ng pamahalaan gaya ng, Pulis, Army, Navy, Coast Guard, maging ang mga organisasyon sa lokal na pamahalaan ng Malay, at mga Non-Government Organization sa Boracay at iba’t ibang grupo na nagbibigay serbisyo sa mga turistang ito ay naki-isa din para sa siguridad ng lahat.

Aasahan din umanong may mangyaring pagbabago sa ruta ng mga sasakyan sa isla at ang mga hotel na pupuntahan ng mahigit dalawang libo at limang daang turista na lulan ng barko ay magkakaroon ng mahigpit na seguridad. #em102012

Paghahanda sa pagdating ng Cruise ship sa Boracay, all set na

Kasado na ang lahat para sa pagdating sa Boracay ng cruise ship na Royal Caribbean Legend of the Seas sa Sabado, ika-27 ng Oktubre dahil napag-usapan na rin umano ang mga dapat na paghandaan ng Task Force Boracay.

Ayon kay Marz Bernabe, Technical Staff ng Caticlan Jetty Port, ikinasa na ng pamahalaang probinsiya ang siguridad para sa pagdating ng barkong puno ng turista mula sa iba’t ibang bansa na umaabot sa dalawang libong at mahigit limang daang Filipino Crew.

Bagamat ilang oras lamang na mamamalagi sa isla, simula 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, ngunit biglaan naman ang buhos ng mga turistang ito sa Boracay.

Kaya nakipag-ugnayan na ang probinsiya sa mga otoridad gaya ng Philippine Army, Police at Coast Guard, maging sa lokal na pamahalaan ng Malay na siyang katuwang, Municipal Auxiliary Police at iba pang organisasyon kasama ang Red Cross.

Inihayag ni Bernabe na ang nabanggit na bilang na ito ng mga turista ay aasahang baba ng barko para mag-ikot sa isla, gayong batay umano sa tie up nilang travel agency, pupunta sa iba’t ibang hotel ang mga sakay ng cruise ship gayon din iikot sa Boracay o mag-a-island hopping.

Aasahan din umano darating sa isla ang pamilya ng may limang daang Filipino Crew ng barko para makita ang mga ito.

Nilinaw din nito na sa pagkaka-alam niya ay dadaong dito sa Boracay ang barko, pero malabo na mayroong papayagang makasampa sa barko na hindi pasahero.

Samantala, dahil sa mag-a-island hopping ang iba sa ito at pabago-bago ang panahon, inataasan na rin umano ang Coast Guard na siyang magdeklara sa ligtas na paglalayag para sa siguridad ng mga turistang ito.

Dagdag pa Bernabe, ang seguridad na kinasa ng probinsiya ngayon sa Boracay ay hindi lamang para sa pagdating ng cruise ship, kundi pati din sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong Semestral break na. #em102012

Tuesday, October 02, 2012

UNA sa Aklan, imbukada sa paghahain ng CoC

Sumulong sa tanggapan ng Comelec kahapon ang grupo ng UNA sa Aklan ang kauna-unahang grupo din na naghain ng kandidatura sa probinsiyal level.

Ang grupong ito ay kinabibilangan ng kasalukuyang Board Member o Sangguniang Panlalawigan Member ng Aklan Rodson Mayor, Board Member Victor Manuel Garcia para sa pagka-Bise Gobernador, Makato Mayor Jun Legaspi sa pagka-Gobernador, Atty. Harry Sucgang at Jossel Rata para Board Member sa eastern side ng Aklan, gayon din si Banga Mayor Antonio Maming na magpapapili para sa pagka-kongresista.

Sa grupo naman ng Tibyog Aklan na siyang mahigpit na katungali mga taga-UNA, hanggang niting hapon ay wala pang nakakapaghain ng CoC.

Todo bantay naman ang mga media sa Aklan sa ilan pang twist o pagbabago na mangyayari hanggat hindi pa natatapos ang filling ng CoC dahil may mga spekulasyon na may isang opisyal ng probinsiya na tila magbabago ng isip sa posisyon nito.

Samantala, sinimulan na rin nahigpitan ang siguridad sa tanggapan ng Provincial Commission on Election Aklan kasabay ng unang araw ng filling of Certificate of Candidacy (CoCs) kahapon.

Dahil maliban sa inaasahang maglalagay ng miyembro ng Philippine Army nanaka-duty sa tanggapan ng Comelec, nitong umaga ay sinimulan na rin ng Philippine National Police mula sa Aklan Public Safety Company ang pagbantay sa opisina ng komisyon. | ecm102012