Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Nag-commit na ang Sangguniang Bayan ng Malay sa Department
of Energy at Asian Development Bank o ADB na tanggapin ang limang daang Electric
Tricycle o E-Trike na programa ng pamahalaan.
Ito ay kasunod nang ginawang pagtatanong ni Sohail Hasnile,
representanteng ipinadala ng ADB sa ginawang public consultation nitong
Huwebes.
Ang pagtatanong ng ADB na ito ay kasunod ng proposisyong sa
buwang ito ng Agosto ay gagawin na ang bidding, kaya dapat ngayon pa lang ay
mabigyan na ng otorisasyon ng Konseho ang Alkalde para lumagda sa isang
kasunduan sa DOE at ADB.
Bunsod nito, nilinaw agad ng Konseho mula sa DOE at ADB ang
nilalaman ng mga kondisyones, kung saan nilinaw din na ang limang daang unit na
ito ay maaaring ipagkatiwala na walang anumang downpayment.
Limang taong babayaran at may libre nang registration sa
LTO, libreng tatlong taong insurance at gayon din ang libreng pagsasanay sa
driver at operator.
Samantala, sa kasalukuyan, huminge pa ng sapat na panahon ang
SB para pag-isipan kung ilang unit ang kanilang kukunin sa ngayon lalo pa nga’t
hindi naman agad pwedeng pagsabayin ang limang daang unit na ito.
No comments:
Post a Comment