Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Kung dati ay volunteer lamang ang mga Life Guard sa Boracay,
ngayon ay empleyado na ang mga ito ng munisipyo ng lokal na pamahalaan ng Malay
at katulad ng ibang empleyado ay tumatanggap na rin ng sahod.
Nabatid mula kay Miguel “Mike” Labatiao, Life Guard
Supervisor ng islang ito, na 18 life guard ngayon ang naka poste sa mga life
guard station at tower na idineploy ng LGU.
Kung saan, ang duty umano ng mga ito ay simula alas-8 ng
umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Pero sa kasalukuyan, aniya, wala pa silang planong i-extend o
hati-hatiin ang oras ng duty ng mga ito dahil dapat ay walong oras lamang ang
trabaho at ito ang skedyul nila sa Daily Time Record (DTR).
Ngunit ang mga life guards na ito ay kulang pa rin ayon kay
Labatiao para tauhan ang limang life guard tower at dalawang station, gayong
may pagkakataong naka-leave din ang iba.
Samantala, dahil sa may mga naliligo pa ng hapon pag-off
duty na ang life guard, at may mga insidente ng pagkalunod na naitatala simula
alas-5 ng hapon hanggang gabi, ayon sa supervisor, may panukala na rin umano
sila ngayong dagdagan ang bilang na ito para mapunuan ang pangangailangan ng
publiko pagdating sa kaligtasan ng naliligo sa baybayin ng Boracay.
Subalit hindi pa umano nito masasabi sa ngayon kung a-aprubahan
ito dahil depende pa ito sa kapasidad ng lokal na pamahalaan ng Malay kung
kakayanin ng budget ang magdagdag para sa pasahod ng Life Guard.
Samantala, dahil sa nasabi na rin nitong kulang ang bilang
ng life guard sa Boracay, kahit anong pagbabantay umano ang ginagwa nila kapag
nakatalikod naman sila matapos palalahanan ang mga naliligong ito ay hindi rin
umano mapipigil sa paliligo lalo pa ngayong madalas sumama ang panahon.
Dagdag pa nito, hindi talaga maiiwasan ang aksidente ng pagkalunod
sa baybayin ng Boracay, pero nasasagip naman nila ito.
No comments:
Post a Comment