Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Wala nang dapat pang ikabahala ang Sangguniang Bayan ng
Malay na baka gawing halimbawa ng SB Kalibo ang odinansa ng bayan ito na maninggil
ng Environmental Fee sa Boracay.
Ito ay dahil pormal nang binawi ng may proposisyong miyembro
ng Konseho Kalibo ang kaniyang balak na magpasa ng ordinansa upang maningil ng P30.00
environmental fee sa bawat turistang baba sa paliparan ng Kalibo.
Mismong ang sponsor ng panukalang si SB Member Ariel
Fernandez ang bumawi sa proposisyong ito ng batikusin ng publiko mula iba’t-ibang
sector ang kaniyang balak.
Matatandaang ang konseho ng Malay ay nagpahayag ng kanilang
pagdasimaya sa planong ito ng SB Kalibo dahil ang mangyayari kapag natuloy ito,
ay tadtad ng bayarin ang turista bago makarating ng isla.
Naghanda na rin ang SB Malay na baka gawing halimbawa ang
kanilang ordinansa katulad nito.
Kaya upang maipaliwanag nila ito ng ng maaayos ay
pinaghandaan na nila ang bagay na ito na may rason naman umano sila para
maningil ng environmental fee at maidepensa din nila.
Ito ay dahil nagtatagal ang mga turistang ito sa Boracay,
hindi katulad sa Kalibo na dinadaan lang.
No comments:
Post a Comment