Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi na naitago pa ni Land Transportation Office (LTO) – Aklan
Director Valtimor Conanan ang kaniyang pagkadismaya sa ginawang pagkwestiyon ng
ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay sa isinagawang mobile smoke
emission testing sa Boracay kamakailan lamang.
Ito ay makaraang isama sa privilege Speech ni SB Member
Jonathan Cabrera sa sesyon ng konseho ang diumano’y hindi pag-i-isyu ng resibo
at mahal na singil ng nasabing pribadong mobile smoke emission testing na
dinala ng LTO sa Boracay.
Subalit ang nasabing alegasyon ay pinanindigan naman ni
Conanan, kasabay ng pahayag na kung hindi man aniya nakuha ng mga kostumer nila
ang kani-kanilang resibo dito sa Boracay, ito ay maaari naman nilang kunin sa
bayan ng Kalibo kapag nagsagawa ng transaksyon sa LTO.
Dagdag pa dito na naka-online naman ang lahat ng kanilang transaksiyon
kaya madali din itong malalaman.
Nilinaw din ng director na may basbas mula sa tanggapan nito
ang pagpunta at pagdala ng LTO ng mobile smoke emission testing sa Boracay,
gayon din ang pagsingil ng medyo may kamahalan kung ikukumpara sa singil nila
kapag nasa bayan ng Kalibo.
Paliwanag ni Conanan, natural lamang ito dahil gumagastos
din sila para sa transportasyon at paghahakot ng gamit para sa kanilang
serbisyo.
Binigyang diin pa ng huli na nagsagawa sila ng mobile smoke
emission testing sa isla batay na rin sa hiling ng lokal na pamahalaan ng Malay
nang sa gayon ay hindi na kailangan pang dalhin sa Kalibo ang mga sasakyan
kapag nagrenew ng kanilang rehistro.
Kaya dismayado ito dahil sa may katulad pa pala umanong
isyu.
Matatandaang nitong nagdaang sesyon ng konseho, Mayo 29 ng
kasalukuyang taon, naging mainit ang usapin may kaugnayan dito.
Sa nasabing pulong ay nasabi ni Cabrera na baka pagsimulan pa
umano ito ng kurapsiyon sa nasabing ahensiya.
Sa kabilang banda, may ilang miyembro naman ng Sanggunian ay
nagsasabing positibo at naging maganda naman ang resulta ng mobile smoke
emission testing sa Boracay dahil nakatulong din ito.
LTO KALIBO is the WORST.. before getting student permit You need to under go on seminar.. tanga ang mga empleyado..ive been asking them kung kelan ito naimplement hindi nila alam ang sagot pasahan lang sa sila lahat.. pati ung hepe nilang engot laging wala... ano ba to perahan na lang ba ang labanan para makakuha ng Drivers license?...
ReplyDeletethe worst talaga psobrang tagal ng service mga empleyado inaasa lang sa ampi at ss lahat...
DeleteLAND TRANSPORTATION KALIBO sobrang tagal ng service mga empleyado at hindi alam ang mga ginagawa.. pano ba pag may nahuli ang DEPUTAng si MICHAEL JARO na deputized daw pala d ba yan agad sinasubmit sa office nyo? o kelangan pa nya ng LAGAY para lang makuha ung licensya... Ano ba yan sayang lang ung oras na nasayang dahil sa walang kwentang JARO na yan.. Chief naman bantayan mo nmn yang mga empleyado mo.. hindi na ata nagtatrabaho mga yan eh kung wlang lagay na binibigay sa kanila...
ReplyDeleteBWISIT talaga yang si MICHAEL JARO dapat mag seminar din yan hindi nya alam kung ano ung mga penalty na dapat ipatong sa mga nahuhuli nya saan ba yan na recruit?.. kung makahuli kala mo kung sino tinanong ko kung ano violation ska magkano ung bayad sa office na lang daw nila ung magbibigay ng presyo bakit di nya un alam?..
Deletego to this web-site he said read this look at these guys see this site check out the post right here
ReplyDeletewebsite here navigate to this site Look At This additional resources find Continue
ReplyDelete