Pages

Tuesday, June 05, 2012

LTO, dismayado sa pag-kuwestiyon sa kanilang Mobile Smoke Emission Testing sa Boracay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi na naitago pa ni Land Transportation Office (LTO) – Aklan Director Valtimor Conanan ang kaniyang pagkadismaya sa ginawang pagkwestiyon ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay sa isinagawang mobile smoke emission testing sa Boracay kamakailan lamang.

Ito ay makaraang isama sa privilege Speech ni SB Member Jonathan Cabrera sa sesyon ng konseho ang diumano’y hindi pag-i-isyu ng resibo at mahal na singil ng nasabing pribadong mobile smoke emission testing na dinala ng LTO sa Boracay.

Subalit ang nasabing alegasyon ay pinanindigan naman ni Conanan, kasabay ng pahayag na kung hindi man aniya nakuha ng mga kostumer nila ang kani-kanilang resibo dito sa Boracay, ito ay maaari naman nilang kunin sa bayan ng Kalibo kapag nagsagawa ng transaksyon sa LTO.

Dagdag pa dito na naka-online naman ang lahat ng kanilang transaksiyon kaya madali din itong malalaman.

Nilinaw din ng director na may basbas mula sa tanggapan nito ang pagpunta at pagdala ng LTO ng mobile smoke emission testing sa Boracay, gayon din ang pagsingil ng medyo may kamahalan kung ikukumpara sa singil nila kapag nasa bayan ng Kalibo.

Paliwanag ni Conanan, natural lamang ito dahil gumagastos din sila para sa transportasyon at paghahakot ng gamit para sa kanilang serbisyo.

Binigyang diin pa ng huli na nagsagawa sila ng mobile smoke emission testing sa isla batay na rin sa hiling ng lokal na pamahalaan ng Malay nang sa gayon ay hindi na kailangan pang dalhin sa Kalibo ang mga sasakyan kapag nagrenew ng kanilang rehistro.

Kaya dismayado ito dahil sa may katulad pa pala umanong isyu.

Matatandaang nitong nagdaang sesyon ng konseho, Mayo 29 ng kasalukuyang taon, naging mainit ang usapin may kaugnayan dito.

Sa nasabing pulong ay nasabi ni Cabrera na baka pagsimulan pa umano ito ng kurapsiyon sa nasabing ahensiya.

Sa kabilang banda, may ilang miyembro naman ng Sanggunian ay nagsasabing positibo at naging maganda naman ang resulta ng mobile smoke emission testing sa Boracay dahil nakatulong din ito. 

6 comments:

  1. LTO KALIBO is the WORST.. before getting student permit You need to under go on seminar.. tanga ang mga empleyado..ive been asking them kung kelan ito naimplement hindi nila alam ang sagot pasahan lang sa sila lahat.. pati ung hepe nilang engot laging wala... ano ba to perahan na lang ba ang labanan para makakuha ng Drivers license?...

    ReplyDelete
    Replies
    1. the worst talaga psobrang tagal ng service mga empleyado inaasa lang sa ampi at ss lahat...

      Delete
  2. LAND TRANSPORTATION KALIBO sobrang tagal ng service mga empleyado at hindi alam ang mga ginagawa.. pano ba pag may nahuli ang DEPUTAng si MICHAEL JARO na deputized daw pala d ba yan agad sinasubmit sa office nyo? o kelangan pa nya ng LAGAY para lang makuha ung licensya... Ano ba yan sayang lang ung oras na nasayang dahil sa walang kwentang JARO na yan.. Chief naman bantayan mo nmn yang mga empleyado mo.. hindi na ata nagtatrabaho mga yan eh kung wlang lagay na binibigay sa kanila...

    ReplyDelete
    Replies
    1. BWISIT talaga yang si MICHAEL JARO dapat mag seminar din yan hindi nya alam kung ano ung mga penalty na dapat ipatong sa mga nahuhuli nya saan ba yan na recruit?.. kung makahuli kala mo kung sino tinanong ko kung ano violation ska magkano ung bayad sa office na lang daw nila ung magbibigay ng presyo bakit di nya un alam?..

      Delete