Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bibigyang ng sampung araw ang lahat ng mga sasakyang
nahuling lumabag sa ordinansang ipinapatupad dito sa isla ng Boracay para
ayusin at bayaran ang penalidad na ipinataw sa mga ito.
Dahil kapag hindi pa umano ito settle sa loob ng sampung
araw, susunod na araw ay itatapon din ito palabas ng isla at dadalhin ito sa
mainland Malay.
Ito ang nilinaw ni Cezar Oczon, Municipal Transportation
Officer ng Malay sa panayam dito.
Aniya sa oras na magampanan na ng may-ari ng motorsiklo o
ano mang sasakyan ang kanilang obligasyon sa nilabag na batas ay agad naman
nila ito ibabalik.
Pero kapag lumpas aniya sa itinakdang panahon ay bawat araw
papatawan nila ng dalawang daang na storage fee batay ito sa ordinansang
ipinapatupad kaugnay sa mga transportasyon sa isla.
Kaya habang lumilipas ang araw na hindi pa kinukuha ang
motorsiklo, dalawang daang piso naman ang madadag sa penalidad.
Samantala gayong naniningil aniya sila ng storage fee, ang
mga na-impound o nahuling sasakyan ay sisikapin nilang mailagay ito sa ligtas
at ma-ayos na lugar.
Samantala ang mga walang permit to transport naman, ay
ibabalik na talaga sa mainland.
No comments:
Post a Comment