YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 14, 2018

Lgu Malay, makikiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill

Posted June 14, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

No automatic alt text available.Makikiisa ang Local Government Unit ng Malay sa National Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na Huwebes, Hunyo 21.

Sa panayam kay Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay, sa ganap na alas-nwebe ng umaga, sabay-sabay na mag-duck, cover and hold para sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Aniya, lahat ng empleyado ng LGU Malay kasama ang tauhan ng Bureau of Fire Protection at iba pang establisyemento ay sama-samang gagawin ang earthquake drill upang isulong ang kahandaan ng publiko laban sa anumang kalamidad.

Nanawagan naman si Ong sa publiko na maki-isa sa kanilang aktibidad para lalong maging handa lalo na kapag magkaroon ng lindol.

Ang earthquake drill ay mahalaga para maihanda ang mamamayan sakaling tumama ang malakas na lindol at isinasagawa ito taon-taon na pinangungunahan ng NDRRMC.

#YesTheBestBoracayNEWS

Libreng Lifeguard Training, ikakasa ng Tesda at Philippine Life Saving Academy

Posted June 14, 2018
YES THE BEST BORACAY News --Isang traning program ngayon ang nais ihandog ng TESDA sa pakikipagtulungan ng Philippine Life Saving Academy para sa mga nagnanais na maging lifeguard.

Image may contain: 4 people, people smiling, people standingAng mga training na ibibigay ay Aquatic Lifesaver and Pool Lifeguard Course-NC2 at Beach Lifeguard Course-#NC3 na ang  ay magtatagal ng lima hanggang sampung araw lamang sa bawat kurso.

Ayon kay PLSA President Gerardo Nobis Jr., inimbitahan sila ng TESDA Aklan na pangsiwaan ang training program para sa pag-professionalize ng mga lifegurds at pagbigyan ng oportunidad sa mga walang trabaho na magkaroon ng mga kurso sa pagsagip ng buhay.

Proyoridad nilang masanay ang mga residente ng Aklan upang magkaroon ng kabuhayan dahil inaasahan nila maging in-demand ang lifeguards lalo na sa muling pagbubukas ng Boracay.

Paglilinaw din ni Nobis na bukas ito sa lahat lalo na sa mga marunong lumangoy subalit dadaan ang mga aplikante sa pre-entry assessment para malaman ang kanilang competency o kakayahan.

Paghikayat pa ng PLSA, dahil sinusunod nila ang national regulation and standards ng TESDA at dahil sa internationally recognized training, ang mga magsisipagtapos ay maaaring makapag-apply abroad dahil magbibigay sila ng certificate.

Sa mga nais magpalista ay pwedeng pumunta sa PLSA sa St. Vincent Resort, Philippine Coast Guard sa Cagban at Caticlan, Malay MDRRMO, PESO Malay at sa TESDA Aklan.

Inaasahan na magsisimula ang training sa buwan ng Hulyo at gagawing ito per class o per batch.

Tuesday, June 05, 2018

Malay Transportation Office, nag phase-out na ng unang batch ng mga traysikel

Posted June 5, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people standing and outdoor
Photo (C) Malay Transportation Office / Cesar Oczon
Nag-implemeta  na ng pag phase-out ng mga tradisyonal na traysikel ang Transportation Office ng Malay nitong katapusan ng Mayo.

Ito ang unang batch ng mga traysikel na hindi na papayagang mamasada pagkatapos na ang franchise holder ng mga unit ay kumuha na ng E-trike noong 2017.

Sa Executive Order No. 007-2018 ng Office The Mayor, simula buwan ng Septyembre ay pagbawalan na rin mamasada ang mga prangkisa na kumuha ng E-trike ngayong 2018 kabilang ang mga hindi pa tumatangkilik sa E-trike Program ng LGU-Malay.

Kaya muling ipina-alala ngayon ng Malay Transportation Office o MTO sa mga operators at drivers ang pagkuha ng E-trike dahil simula Setyembre phase out na ang traysikel sa isla ng Boracay.

195 palang kase ang first batch ng mga franchise holder na bumili ng E-trike noong 2017 habang sa taong ito ay dalamput walo at nasa 314 pa  ang hindi pa nakapagkuha nito.

Inabisuhan din ni Tarnsporation Officer Cesar Oczon ang mga may-ari ng traysikel na kumuha na ng E-trike upang hindi sila mahirapan sa oras na maipatupad na ito.

Dagdag pa ni Oczon may limang E-trike supplier ang pwede nilang kausapin para sa kukuning unit at ito ang Bemac, Prozza, Tojo, Gerweiss, at Star 8.

Samantala, layunin nitong kautusan na mabawasan ang trapiko sa Boracay at ang problemang hatid ng maruming hangin  o air pollution.

#YesTheBestBoracayNEWS

Friday, June 01, 2018

DSWD namigay na ng Livelihood Assistance Fund

Posted June 1, 2018
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people sittingMatapos ang isinagawang profiling at assessment sa mga residente na apektado ng pagsasara ng Boracay, ngayong araw tinanggap na ng ilan sa mga ito ang kanilang ayuda para sa programang Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ito ang pahayag ni  Regional Director Rebecca Geamala sa isinagawang press conference kaninang umaga habang nakapila ang first batch ng mga benepisyaryo na tumatanggap ng “Livelihood Assistance” sa ManocManoc Covered Court.

Sambit ni Geamala, “hindi namin pababayaan na hindi magtagumpay” ang nasa 1, 323 na binigyan nila ng tulong pinansyal ng nagkakahalaga ng P 15, 000 na gagamitin sa pinili nilang pangkabuhayan.

Dagdag pa ni Geamala, hindi matatapos ang buwan ng Hunyo nasa labing isang libo pa ang target nilang mabigyan ng pinansyal na tulong.

Image may contain: 1 person, crowdKaugnay nito, pinasiguro naman ng DSWD sa mga workers na nakatira sa Mainland, Malay at nagtatrabaho sa Boracay na pwede silang maka-avail nitong financial assistance dahil regular program ito ng kanilang opisina pero sa ngayon umano mag-uusap pa sila kung saan nilang area i-ipunin ang mga ito.

Ang DSWD ay may kabuuang P 280 million para sa programang ito at target na maalalayan ang mga apektadong residente dahil sa anim na buwang rehabilitasyon.

Sa ngayon, para oraganisado ang pamamahagi ng LAF o Livelihood Assitance Fund sa bawat Barangay ay ipinapaalam sa mga benepisyaryo kung kelan ang schedule nila para ma-avail ito.

Samantala, ang mga hindi na-profile ay binibigyan pa rin ng pagkakataon ng mag Barangay na magpalista sa kanilang mga opisina.

#YesTheBestBoracayNEWS
#LivelihoodAssistanceFund
#BoracayClosure

Wednesday, May 30, 2018

Walang pagtaas ng singil ng kuryente ngayong buwan – AKELCO

Posted May 30, 2018
Yes The Best NEWS ---Nilinaw ng Aklan Electric Cooperative Inc. o AKELCO na walang pagtaas ng singil sa kuryente kahit na bumaba ang demand ng Boracay dahil sa anim na buwang rehabilitasyon.

Nitong buwan ng Mayo, pumalo sa P 11.001 ang rate sa residential habang P 10.057 naman sa commercial na ayon sa AKELCO ay regulated ng Energy Regulatory Commission o ERC.

Ayon kay Assistant General Manager Engr. Joel Martinez, napakiusapan nila ang apat na supplier ng kooperatiba na magbabawas sila sa pagbili dahil ang average na konsumo ngayon ng Boracay ay nasa 8 megawatts na lang mula sa normal na 33 megawatts.

Ibig sabihin mahigit 20 megawatts ang nabawas dahil sa pagsara ng mga establisyemento sa Boracay.

Dagdag pa ni Martinez , hindi sinalo ng member-consumer ang pinangangambahang lugi ng AKELCO bago ang closure taliwas sa mga lumabas na balita na ipapatong ito sa kunsomidor.

Bagamat may ilang charges na lumalabas sa electric bill , ito umano ay naaayon sa atas ng Department of Energy.
Buwan-buwan din umano ay paiba-iba ang power rate ito ay sa kadahilanan na dumedepende sila sa presyo ng supplier o generation rate/charge.

Nitong nakalipas na araw ay marami ang nagulat dahil tumaas umano ang kanilang electric bill sa hindi mapaliwanag na kadahilanan.

Ayon sa AKLECO management, tumawag sa kanilang opisina kung may nais linawin o ipasuri ang koneksyon at metro para malaman ang tamang reading ng konsumo ng kuryente at ibatay sa kasalukuyang power rate nila.