Yes The Best NEWS ---Nilinaw ng Aklan Electric Cooperative Inc. o AKELCO na
walang pagtaas ng singil sa kuryente kahit na bumaba ang demand ng Boracay
dahil sa anim na buwang rehabilitasyon.
Nitong buwan ng Mayo, pumalo sa P 11.001 ang rate sa
residential habang P 10.057 naman sa commercial na ayon sa AKELCO ay regulated
ng Energy Regulatory Commission o ERC.
Ayon kay Assistant General Manager Engr. Joel Martinez,
napakiusapan nila ang apat na supplier ng kooperatiba na magbabawas sila sa
pagbili dahil ang average na konsumo ngayon ng Boracay ay nasa 8 megawatts na
lang mula sa normal na 33 megawatts.
Ibig sabihin mahigit 20 megawatts ang nabawas dahil sa
pagsara ng mga establisyemento sa Boracay.
Dagdag pa ni Martinez , hindi sinalo ng member-consumer
ang pinangangambahang lugi ng AKELCO bago ang closure taliwas sa mga lumabas na
balita na ipapatong ito sa kunsomidor.
Bagamat may ilang charges na lumalabas sa electric bill ,
ito umano ay naaayon sa atas ng Department of Energy.
Buwan-buwan din umano ay paiba-iba ang power rate ito ay
sa kadahilanan na dumedepende sila sa presyo ng supplier o generation
rate/charge.
Nitong nakalipas na araw ay marami ang nagulat dahil
tumaas umano ang kanilang electric bill sa hindi mapaliwanag na kadahilanan.
Ayon sa AKLECO management, tumawag sa kanilang opisina
kung may nais linawin o ipasuri ang koneksyon at metro para malaman ang tamang
reading ng konsumo ng kuryente at ibatay sa kasalukuyang power rate nila.
No comments:
Post a Comment