YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 14, 2018

Libreng Lifeguard Training, ikakasa ng Tesda at Philippine Life Saving Academy

Posted June 14, 2018
YES THE BEST BORACAY News --Isang traning program ngayon ang nais ihandog ng TESDA sa pakikipagtulungan ng Philippine Life Saving Academy para sa mga nagnanais na maging lifeguard.

Image may contain: 4 people, people smiling, people standingAng mga training na ibibigay ay Aquatic Lifesaver and Pool Lifeguard Course-NC2 at Beach Lifeguard Course-#NC3 na ang  ay magtatagal ng lima hanggang sampung araw lamang sa bawat kurso.

Ayon kay PLSA President Gerardo Nobis Jr., inimbitahan sila ng TESDA Aklan na pangsiwaan ang training program para sa pag-professionalize ng mga lifegurds at pagbigyan ng oportunidad sa mga walang trabaho na magkaroon ng mga kurso sa pagsagip ng buhay.

Proyoridad nilang masanay ang mga residente ng Aklan upang magkaroon ng kabuhayan dahil inaasahan nila maging in-demand ang lifeguards lalo na sa muling pagbubukas ng Boracay.

Paglilinaw din ni Nobis na bukas ito sa lahat lalo na sa mga marunong lumangoy subalit dadaan ang mga aplikante sa pre-entry assessment para malaman ang kanilang competency o kakayahan.

Paghikayat pa ng PLSA, dahil sinusunod nila ang national regulation and standards ng TESDA at dahil sa internationally recognized training, ang mga magsisipagtapos ay maaaring makapag-apply abroad dahil magbibigay sila ng certificate.

Sa mga nais magpalista ay pwedeng pumunta sa PLSA sa St. Vincent Resort, Philippine Coast Guard sa Cagban at Caticlan, Malay MDRRMO, PESO Malay at sa TESDA Aklan.

Inaasahan na magsisimula ang training sa buwan ng Hulyo at gagawing ito per class o per batch.

1 comment:

  1. Warns swimmers of improper activities or danger and enforces pool regulations and water safety policies. lifeguard class

    ReplyDelete