YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 01, 2016

Illegitimate child binigyan ng karapatan na pumili ng kanilang apelyedo

Posted September 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Illegitimate childBinigyan ngayon ng karapatan ang mga Illegitimate children na pumili ng kanilang apelyedo matapos ang revised implementing rules at regulations ng Republic Act 9255 na umepekto noong Abril 9, 2016 ayon sa Philippine Statistic Authority-Aklan.

Ang RA 9255 ay isang batas na pumapayag sa illegitimate child o yong anak sa labas na gamitin ang apelyedo ng kanilang ama.

Ito ay salungat sa dating IRR, kung saan ang ama ay nag-execute ng Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF), ang kasalukuyang implementing rules ng nasabing batas na nangangailangan na ang partikular affidavit na nagawa ng bata bago niya madala ang apelyedo ng ama.

Samantala, base sa report ng PSA-Aklan, maliban sa AUSF, ang certificate ng attestation o patotoo ng ina ay kailangan kung ang bata ay 7 hanggang 17-anyos. Habang, ang nasa edad 6 na taong gulang pababa ang AUSF ay kailangang makumpleto ng ina o guardian.

Ayon naman kay Engr. Antonet Catubuan, Chief Statistical Specialist, na ang illegitimate child ay kailangang kilalanin muna ng kanilang ama o kahit sa pamamagitan ng public document o private hand written instrument bago ang apelyedo ng ama ay epektibo na sa birth certificate.

Sa kabilang banda nilinaw nito na ang revised IRR ay kailangang lamang sa illegitimate children na pinanganak bago o pagkatapos ng March 19, 2004, ang simula ng RA 9255, kahit na registered o hindi sa ilalim ng apelyedo ng ina.

Wednesday, August 31, 2016

Mga hindi nahakot na basura sa Boracay, tinalakay sa SB Session

Posted August 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for basuraPinuna ngayon ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero ang tungkol sa umano’y mga hindi nahahakot at umaapaw na basura sa beachline ng Boracay.

Sa 9th Regular Session ng SB sa bayan ng Malay kahapon, laman ng  Privilege Speech ni Gallenero ang hinggil sa mga basura na inaabot na daw ng alas-otso ng umaga ay hindi parin nahahakot ng mga basurero o ng MRF truck kung saan malaki umano itong  atraksyon lalong-lalo na sa mga turistang dumadaan.

Kaya naman nais niya ngayong ipatawag sa susunod na sesyon ang Solid Waste Management Office sa katauhan ni Engr. Arnold Solano.

Nais ni Gallenero na kwestiyunin si Engr. Solano kung ano ang dahilan ng mga problema at kung paano ito masusulusyunan dahil matagal na umano itong problema pero hanggang sa ngayon ay hindi parin ito naaayos.

Sa kabila nito, nagbigay rin ang ibang miyembro ng SB ng suhestyon na pwede rin umanong bumili ng Barge para sa pag-transport ng mga basura papuntang Landfill sa bayan ng Malay para mapabilis ang paghahakot ng mga tone-toneladang basura ng isla.

Armas ng dalawang pulis na nagdala sa mag-asawang Odicta sa hospital, isinailalim sa paraffin test at ballistic examination

Posted August 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Paraffin test at ballistic examination.

Ito ang ginawang hakbang ni PSSUPT. John Mitchell Jamili Acting Police Director at Commander ng Special Investigation Task Group Odicta, sa mga armas ng dalawang pulis na nagdala sa mga biktima sa hospital para maging transparent at mawala ang pagdududa tungkol sa insidente.

Sa panayam ng YES FM Boracay kay SPO1 Nida Gregas, Public Information Officer ng Aklan, isinailalim na umano kahapon sa paraffin test at sa ballistic examination ang armas ng dalawang pulis kung saan naipadala na rin ang resulta nito sa Police Regional Office 6.

Nabatid na ang dalawang pulis ay parte ng Aklan Provincial Public Safety Company (APPSC) na siyang naghatid sa mga biktima sa hospital matapos ang pagbaril-patay sa mga ito nitong Lunes ng madaling araw sa Caticlan Jetty Port.  

Samantala, wala pa rin umanong ibang update hinggil sa itinuturing na napakalaking insidente na na may kaugnayan sa droga.

Kabataan pinangaralan kaugnay sa ilegal na droga

Posted August 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tuloy-tuloy sa pagbibigay ng pangaral o lecture sa mga mag-aaral sa isla ng Boracay ang Boracay PNP kaugnay sa ilegal na droga.

Ito mismo ay sa pangunguna ni SPO1 Christopher Mendoza, PCR PNCO ng BTAC kung saan layun nila na mabigyan pa ng kaalaman ang mga mag-aaral sa isla tungkol sa dahilan at epekto ng paggamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Mendoza ang ginagawang "Symposium on Illegal Drugs: Cause and Effects" sa mga estudyante ng Manomanoc High School ay parte ng tinatawag na Drug Avoidance Resistance Education (DARE) Program.

Nabatid kasi na may mga kabataan na rin ngayon ang maagang nalulong sa masamang bisyo na siyang nakaka-alarma dahil pinapasok na rin ng mga ito ang masasamang gawain kagaya ng pagnanakaw o paggawa ng krimen.

Samantala, ang kampanyang ito ng BTAC ay malugod namang tinanggap ng mga head teacher ng mga paaralan sa Boracay dahil sa may malaki umano itong maitutulong sa kanilang mga estudyante.

Gov. Miraflores ibinida ang mga proyekto ng gobyerno sa Aklan Press Club Induction

Posted August 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ibinida ni Governor Joeben Miraflores ang mga nakalinyang proyekto ngayong 2016 sa probinsya sa ginanap na Aklan Press Club Induction of Officers sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Miraflores, ito umanong taong 2016 ang mayroon silang madaming ipinagawa kagaya na lamang ng Kalibo-Banga road project,  pagpapa-ayos ng Provincial hospital at pagkakaroon ng eye center.

Maliban dito ilan pang imprastraktura sa probinsya ang ipapatayo ng kanilang administrasyon.

Sa Kabilang banda binanggit din nito ang napabalitang na-erlief siya sa Maynila na naging usap-usapan sa mga radyo kung saan nanawagan naman ito sa mga media na sana ay alamin muna ang totoo bago ibalita.

Samantala naging speaker naman sa naturang event ay si Chief Presidential Legal Council Atty.  Salvador Panelo na nag kwento naman kung paano niya napapayag na tumakbong Pangulo si Duterte.