YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 04, 2016

Paglago ng turismo ng Boracay binanggit ni Governor Miraflores sa kanyang SOPA

Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kabilang ang paglago ng turismo ng isla ng Boracay sa mga binanggit ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa kanyang State of the Province Address (SOPA) kahapon sa SP Session Hall Kalibo.

Ayon sa gobernador naabot nila ang kanilang target na 1.5 million tourist arrival noong 2015 kumpara noog 2014 na halos umabot lamang ng 1.4 million.

Aniya nananatili paring pinipili ng mga domestic at foreign tourist ang isla ng Boracay bilang kanilang tourist destination.

Sinabi pa ng gobernador na ang Boracay ngayon ay isa ng cruise ship haven kung saan umabot sa siyam na mga cruise ship ang bumista sa isla noong nakaraang taon.

Dahil dito pinasalamatan naman ni Miraflores ang mga stakeholders sa isla ng Boracay dahil sa naging tulong at kontribusyon ng mga ito sa pagpapalago ng turismo ng isla.

BRTF Officials at Engineering Office ng Malay nakipagharap na sa SB Malay

Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakipagharap na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) at Engineering Office.

Ito’y matapos silang ipatawag ng SB Malay para talakayin ang mga problema sa isla ng Boracay na kinabibilangan ng Building permit, widening project, street lights at iba-iba pang concern ng konseho.

Kabilang naman sa mga dumalo rito ay sina Engr. Arnold Solano OIC Municipal Engineer; Alma Belejerdo, MPDC/Zoning Administrator; Island Administrator Glen SacapaƱo, BRTF Secretary Mabel Bacani at at iba pang technical team ng LGU Malay.

Pinangunahan naman ni SB Member Frolibar Bautista ang pagtatanong sa mga bisita kaugnay sa ibat-ibang isyu sa building construction ngayon sa isla.

Inalaman din nito kung anong mga establisyemento ang hindi naisyuhan ng building permit kabilang na ang mga hindi sumunod sa 6 meter easement rule sa mainroad.

Samantala, hiniling naman nito na sana’y maaayos na kung ano man ang problema ngayon sa Boracay katuwang ang mga kinauukulan.

DOH, nagbigay ng bagong Dntal health bus sa probinsya ng Aklan

Posted Febuary 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagbigay ngayon ng bagong Dental Health Bus sa probinsya ng Aklan ang Department of Health (DOH).

Ayon Kay Aklan Gov. Florencio Miraflores ito umanong dental health bus ay dadalhin sa mga malalayong lugar sa tuwing magkakaroon ng gobyerno sa baryo program.

Ang nasabing Dental health bus ay kumpleto sa gamit para sa mga Brgy na mangangailangan ng dental health care.

Budget ng Malay para sa 2016 babalasahin na ngayong Martes

Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for budgetNgayong darating na Martes na babalasahin ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Annual Budget na makukuha ng LGU Malay para sa taong 2016.

Ito ang sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre sa ginanap na 5th Regular SB Session ng Malay kahapon.

Sa nakaraang Session ay isinalang sa Committee on Budget and Appropriation ang tungkol sa nasabing Annual Budget kung saan kailangan munang matukoy ang mga paggamitan nito.

Dahil dito nananatili parin ngayong nag-aantay ang mga department heads ng LGU para sa kanilang budget na gagamitin ngayong taon.

Nabatid na maglalaan ng oras ang Konseho para sa pagtalakay sa mga proyekto na siyang paggamitan ng budget sa kasalukyang taon.

Tuesday, February 02, 2016

PHO Aklan, nagpa-alala hinggil sa sakit na Zika virus

Posted Febuary 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dengue feverNagpaalalala ngayon ang Provincial Health Office (PHO) Aklan sa publiko na maging maingat at maging alerto sa sakit na Zika virus na nananalasa sa ibang bansa.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer I, ang sakit na Zika virus ay nakukuha sa kagat ng lamok na pareho ang sintomas sa dengue na ang sanhi umano nito ay lagnat, rashes, sakit ng katawan at walang ganang kumain.

Aniya, idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang mosquito-borne Zika virus bilang international public health emergency dahil katulad narin ito sa mga malalaking sakit na dumaan sa ibang bansa.

Sinasabing mas delikado ito sa mga nagbubuntis na babae dahil ang Zika virus ay sinasabing makakaapekto ito sa kanilang isisilang na sanggol na ang magiging resulta ay maliit ang ulo, mayroong brain defect at makasira ng paningin.

Bagama’t, Zika virus free naman ang ating bansa sa nasabing sakit pinayuhan naman ngayon ni Cuachon ang mga buntis na babae na iwasan ang paglalakbay sa mga lugar na laganap itong sakit.

Dagdag pa nito muli niyang paalala sa publiko na maging malinis sa ating paligid at makipagtulungan upang labanan ang mga lamok na nakakamatay pag ito ay pinabayaaan.