YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 21, 2015

Residente sa Boracay, pinaalalahanan ngayong pasko at bagong taon ng MHO Malay

Posted December 21, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for noche buenaNag-paalala ngayon ang Municipal Health Office (MHO) Malay sa mga residente ng Boracay ngayong papalapit na pasko at bagong taon.

Ayon kay Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras, hindi umano sila nagkukulang ng paalala sa mga tao sa Boracay na dapat maging disiplinado at responsable sa darating na pasko lalong-lalo na ang bagong taon.

Image result for bagong taonSinabi ni Aspiras sa mga bibili ng noche Buena ngayong pasko ay basahin umanong mabuti ang expiration date nito at kung saan ito nanggaling upang maiwasan ang food poisoning.

Dagdag nito, kailangang maging healthy lifestyle lang umano ang mga tao sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain katulad ng prutas at gulay para umano makaiwas sa hypertension o high blood.

Maliban dito, maging maingat din umano sa bagong taon lalong-lalo na sa mga magpapaputok kung saan mas mainam umano na gumamit nalang ng mga alternatibong maiingay na bagay katulad ng kaldero at torotot upang malayo sa kapahamakan.

Boracay Action Group, pormal na kinilala bilang lead group sa Boracay

Posted December 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pormal ng nilagdaan nitong Desyembre 1, 2015 ni Mayor John Yap ng Malay ang kautusan na kumikilala sa Boracay Action group (BAG) bilang leader ng mga law enforcement sa isla.

Base sa nilalaman ng Executive Order No. 11 series of 2015 ni Yap, dito nakapaloob na ang tungkulin ng BAG ay mag-monitor at patindihin ang implementasyon ng Anti-Trafficking in Person and Violence Against Women and their Children sa munisipalidad ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.

Nabatid na ang BAG ang mamumuno sa mga grupo na kinabibilangan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Tourist Regulatory Enforcement (TREU) at Malay Auxiliary Police (MAP).

Napag-alaman na layun nito na mabawasan ang tumataas na kaso ng human trafficking laban sa mga kababaihan at mga kabataan.

Samantala, itinalaga naman ng Boracay Action Group bilang Head of the Secretariat and Supervising Officer ng Malay Auxiliary Police si Felix Delos Santos.

Magkasintahan sa Boracay, nabiktima umano ng food poisoning

Posted December 21, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for food poisonPanunuka at pananakit ng tiyan ang inabot ng magkasintahan sa Boracay matapos umanong ma food poisoning ang mga ito sa kinaing steak sa isang kainan sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang magkasintahan na sina Kent Fontaine 23-anyos at ang girlfriend nitong si Angela Truong 21-anyos na residente ng nasabing lugar.

Nabatid na umorder ang dalawa ng steak sa isang waitress ngunit sinabi umano sa kanila na hindi pa itong puweding kainin dahil may mali pa umano sa naturang pagkain.

Ngunit sa kabila nito sinabi umano sa kanila ng mismong may-ari ng restaurant na puwedi na itong kainin kung saan inutusan naman nito ang waitress na e-serve na ito sa dalawa.

Dahil dito, nakaramdam umano ang dalawa ng makauwi sa kanilang bahay ng pananakit ng tiyan at panunuka kung saan agad naman silang isinugod sa isang pagamutan sa Boracay.

Samantala base sa sumuring doktor sa dalawa, lumalabas na nagtamo umano ang mga ito ng “Ecoli Parasite”.

Ang nasabing kaso ay idinulog ng Boracay PNP sa Bureau of Food and Drugs (BFAR) at iba pang kinauukulang ahensiya.