YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 14, 2012

Mga bangka sa Boracay, handa na sa mga uuwing pasahero bukas


Ni Christy dela Torre, News writer, YES FM Boracay

Inaasahang dadagsa ang mga pasaherong magsisipag-uwian bukas, araw ng Linggo, mula sa ilang bayan ng Aklan lalo na ang mga pasaherong nagmula sa bayan ng Kalibo, ito’y matapos ang selebrasyon ng taunang Kalibo Ati-Atihan o selebrasyon sa kapiyestahan ni Sr. Santo NiƱo.

Kung kaya’t dahil dito, tiyak na siksikan ang mga uuwing pasahero hindi lamang sa mga Bus at mga Van, kundi maging sa sasakyang pandagat.

Ayon kay Godofredo Sadiasa, Chairman ng Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o CBTMPC, handing-handa na ang mga pampasaherong bangka na may rutang Caticlan-Boracay o Vice Versa.

Katunayan, eksaktong tatlumpung bangka mayroon ang CBTMPC na siyang maaaring sakyan ng mga pasahero bukas. Ayon pa kay Sadiasa, palagi naman umanong handa ang mga kapitan ng mga bangka upang pagsilbihan hindi lamang ang mga turista kundi maging ang mga lokal na residente.

Ngunit, sinabi nitong magiging normal lamang ang biyahe ng bangka kung maganda ang panahon dahil kung sakali aniyang hindi maganda ang panahon ay may posibilidad na ma-kansela ang ilang biyahe ng mga ito, lalo pa nga’t ang iniisip lang din umano nila ay ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ganunpaman, nakakatiyak itong sa lahat ng oras ay may nakahandang bangka, lalo na yaong malalaking para sa mga pasaherong uuwi bukas.

LGU Malay, hindi pa gumagalaw laban sa mga kolorum na tricycle sa Boracay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ang Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) na mismo ang nagtataka kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pang ginagawang aksiyong ng local na pamahalaan ng Malay laban sa mga kolurom na tricycle sa isla.

Ito ay sa kabila ng ilang beses na rin umanong ipinaabot sa mga pulong na ipinatatawag ng LGU at maging sa Sangguniang Bayan, pero hanggang sa ngayon ay tila ganoon parin.

Kung saan, ayon kay BLTMPC Board Chairman Ryan Tubi, ang nais lang sana nila ay masugpo o mahuli na ang mga hindi rehistradong tricycle na ito sa isla.

Aniya, ang diskarte ng mga kulurom na sasakyang ito sa Boracay, ay gagayahin din ang kulay ng mga unit dito kaya mahirap matukoy ang mga hindi rehistrado sa legal na tricycle na pumapasada dito.

Pero, makikila umano ang mga kulurom na ito dahil, ang tricycle na walang plaka mula sa LGU Malay at nakasabit na Mayors Permit, gayon din walang sticker na nakadikit sa harap na bahagi ng unit mula sa BLTMPC ay klarong kolurum na kailangan nang hulihin.

Samantala, batay sa isiniwalat ni Tubi, nabatid mula dito na sa kasalukuyan mahigit dalawangpu ang mga kolurom na tricycle sa Boracay, kung saan limang daan at labing isa naman ang rehistrado sa BLTMPC.

BLTMPC, pinahuhuli ang mga lumalabag sa batas trapiko sa Boracay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mahigpit na pagpapatupad sa batas sa trapiko ang hamon ngayong ng Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) sa taga pagpatupad ng ordinansa sa isla para hindi mamihasa ang mga driver at matoto na ring sumunod ang mga ito.

Ito ay dahil sa bahagi ng BLTMPC, hindi naman umano sila nagkulang sa pagpaalala sa mga driver na sundin ang batas trapiko ay dumadaan naman ang mga ito sa seminar sa kooperatiba ayon kay BLTMPC Board Chairman Ryan Tubi.

Maliban dito, ang mga driver sa isla ay dumaan na rin aniya ng seminar sa Land Transportation Office o LTO bago bigyan ng lisensiya kaya kung hindi man sumusunod sa batas, naniniwala si Tubi na ang mga indibidwal na ito ang may problema.

Dahil dito, hamon ngayong ng kooperatiba na para mabigyan ng liksiyon, ang mga makikitang lumabag sa batas trapiko, lalo na yaong hindi marunong rumespito sa mga sinage na ipinakalat sa kalye sa isla ay agad hulihin para hindi na mamisaha pa.

Naniniwala si Tubi na basta driver, likas sa mga ito na kapag makakita ng malulusutan nagpapalusot parin ang mga ito.

Ang panayam at pahayag na ito kay Ryan Tubi ng BLTMPC ay ginawa kasunod ng naging sintemeyento ni SB Member Jupiter Gallenero, na tila hindi na nirirespito pa ang mga sign Board sa kalye na kung saan nakalatag ang batas trapiko katulad ng loading at unloading area, gayong ang mga signage na ito ay ginastusan umano ng LGU Malay pero isinasawalang bahala lamang ng mga drivers sa Boracay.

P100.00 na terminal Fee sa Caticlan Jetty Port, aprubado na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tila hindi na mapipigilan pa ang pagtaas ng singil sa Terminal Fee na ipapatupad sa Caticlan Jetty Port ano mang araw simula ngayon taon.

Ito ay makaraang mailusot at maaprobahan ng Sangguniang Panglalawigan ng Aklan sa paraan ng isinulong na General Ordinance na naglalaman ng bagong Revenue Code ng probinsiya sa huling sisyon na isinagawa bago paman matapos ang taon ng 2011, at ngayong taon ng 2012 ipapatupad na ito.

Kung saan napaloob sa bago at komprehisibong Revenue Code ng Aklan, ang taripa sa pagbubuwis, gaya ng sa mga propidad (Real Property Tax), buwis sa negosyo, franchise tax, professional tax at marami pang iba.

Kasama din sa bagong revenue code ay nilatag ang taripa sa mga siningil na renta sa mga gusali na pag-aari ng pamahalaang probinsiya, bayarin o Fees katulad ng terminal fee sa Caticlan Jetty Port, at bayarin sa pagpapaupa ng mga pasilidad ng gobyerno sa Aklan.

Samantala, dahil sa aprobado na ito, inaasahang ano mang buwan ay maglalabas na rin ng kautusan ang kina-uukulan kung kaylan ito pormal na ipapatupad matapos maisapubliko.

Matatandaang kasabay ng pasulong at pag-ameyenda sa Revenue Code na ito, ay hiniling din ni Aklan Governor Carlito Marquez na gawing isang daang piso mula sa pitongput limang piso na singil sa terminal Fee sa Caticlan Jetty Port.

Mapupunta di umano ayon sa gobernador ang kikitain dito sa pagpapa-unlad ng terminal at pasilidad ng pantalan gayon din pang bayad sa Bond Floatation o utang ng pamahalaang probinsiya na siyang ginamit na pundo sa reklamasyon sa Caticlan at planong expansion ng Jetty Port.

BLTMPC, hinamon ang SB na umaksiyon na ukol sa pagbebenta ng prangkisa


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Katulad ng konseho, hindi umano i-endorso ng kooperatiba ang mga unit ng tricycle kapag nakita nilang nabubulok na ito ayon kay BLTMPC Board Chairman Ryan Tubi.

Katunayan sa pag-inspeksiyong ginagawa sa mga unit ng tricycle sa isla maliban sa pagsisiyasat na ginagawa ng konseho, naghigpit at nagsimula na rin ang BLTMPC o Boracay Land Transportation Multi-purpose cooperative na mag-inspeksiyon sa mga unit nitong Lunes.

Kinlaro din ni Tubi na ang pagbibenta sa mga prangkisa ay bawal talaga, subalit matagal na rin itong ginagawa kaya nakasanayan na rin dahil wala naman ginagawa ang SB sa gawaing ito.

Kaya dapat ang konseho na rin umano ang gumawa ng aksiyon ukol dito.

Maliban din kasi sa isyu ng pagbebenta sa mga prangkis,a may ilang impormasyon ding sa iisang prangkisa dalawa o tatlo ang unit, na mariing ipinagbabawal din ayon dito.

Pero wala pa naman umano silang nalalaman na gumagawa nito, sapagkat dapat sa bawat isang prangkisa, isang unit lang din ang pwede.

Ang pahayag na ito ay bilang reaksiyon ng kooperatiba sa plano ng konseho na maghihipit na pagdating sa pag-endorso at paggamit ng prangkisa lalo na ng mga tricycle sa Boracay.