YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 30, 2019

LGU Malay magbibigay ng Financial Assistance sa mga biktima ng sunog sa Angol

Posted January 30, 2019

Image may contain: 4 people, people sitting and indoorMagbibigay ng tulong pinasyal ang Lokal na Pamahalaan ng Malay sa mga biktima ng sunog na tumupok ng mahigit apatnapu’t anim na bahay sa Sitio Angol, ManocManoc nitong nakaraang araw ng Linggo.

Sa pinakahuling tala ng Malay Social Welfare Development Office o MSWDO, umabot na sa 74 na pamilya o katumbas na 276 na indibidwal ang na-validate ng kanilang opisina maliban pa sa 73 na boarders na nangungupahan din sa lugar.

Sa ginawang pulong ng MDRRMC, napagkasunduan na magbibigay ang LGU Malay ng P 6,000 sa pamilyang nasunugan ng bahay, P 3,000 sa pamilyang naninirahan lang, at P 1,000 naman sa mga boarders.

Ang tulong pinansyal na ito ay i-rirekomenda pa sa opisina ni Acting Mayor Abram Sualog bago ipamahagi sa mga biktima na dadaan naman sa validation.

Katuwang sa gagawing validation ang Barangay ManocManoc Council na siya namang magbibigay ng certification kung ang mga benipesyaryo ay taga doon.

Samantala, hindi pa sa ngayon papayagan na muling magtayo ng anumang istraktura sa pinangyarihan ng sunog dahil may 45-day investigation period pang gagawin ang BFP.

Dahil dito, babantayan muna ng PNP at BFP ang area para mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lugar.

#YesTheBestBoracayNEWS

No comments:

Post a Comment