YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 01, 2019

Metro Boracay Police Task Force, maglulunsad ng “Battle Of The Front Beach”

Posted February 1, 2019

Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 personGamit ang mga ordinansang ipapatupad, ilulunsad ng Metro Boracay Police Task Force sa Pebrero 21 ang “Battle of the Front Beach” laban sa mga violators sa baybayin ng Boracay.

Sa pamamagitan ng Project BESST o Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics katuwang ang Inter-Agency Task Force ay pagsasamahin sa isang team ang mga enforcers ng MAP, TREU, Beach Guard, at mga pulis.

Ilan sa mga pakatutukan ay ang anti-littering, smoking, ambulant vendors, sex workers, illegal tour guides at mga nangunguntrata sa turista.

Ayon kay PSUPT Ryan Manongdo ng MBPTF, nasa kabuuang 130 enforcers meron ang front beach ng Boracay subalit meron paring lumalabag sa ordinansang ipinapatupad.

Aniya, nangangahulugang hindi pa unified o may kaniya-kaniyang diskarte ang bawat grupo kaya’t naisipan nila ang stratehiyang ito.

Dagdag pa ng opisyal na hindi na magkakaroon ng anumang issue at mas maging transparent na ang implementasyon dahil magkakasama na sila sa isang team kasama ang mga pulis na may suot na “action camera” at lahat na gagawing hakbang ay dokumentado na.

Bago nito, pinulong muna nila ang MAP, TREU, at Beach Guards para ma organise ng maayos at dadaan sa mga pagsasanay bago ang manning at deployment.

Magkakaroon din sila ng weekly evaluation at accomplishment report para malaman kung bumaba na ang numero ng mga lumabag sa pamamagitan ng citation tickets monitoring.

Samantala, kung mag-tagumpay ang Phase 1 (front beach) ay isusunod na nilang disiplinahin ang mga pasaway sa main road.

Layunin ng proyektong ito na maging “ Discipline Zoned Boracay “ ang isla kagaya ng ibang mga tourist destination.

Ani Manongdo, sumasalamin sa buong bansa ang lahat ng gawain at pag-uugali ng bawat isa kaya dapat suportahan ito dahil nag-sakripisyo na ang lahat ng tao sa isla sa anim na buwang closure.

No comments:

Post a Comment