Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire
Protection (BFP) Boracay hinggil sa nangyaring sunog kagabi sa Zone 5 Bolabog
Extension sa Barangay Balabag .
Ayon kay Fire Inspector Lorna Parcillano, alas syete sing
kwenta sila nakatanggap ng tawag na nasusunog ang mga bahay at na
boarding houses sa nasabing lugar.
Sa pag-responde ng mga bombero at ibang fire volunteers
kumakalat na ang apoy sa mga kabahayan dahil gawa ito sa light materials.
Bukod pa rito dahil rin umano sa dala ng malakas na hangin,
nasunog ang nasa itaas na bahagi ng bukid sa likurang bahagi ng Q lodge subalit
naapula rin nila ito kung saan wala namang istraktura napinsala.
Kaugnay nito, base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP,
totally burnt ang labing dalawang bahay sa nangyaring sunog.
Tinatayang nasa kabuuang 36 ang apektado sa nangyaring
sunog kabilang na dito ang sampung pamilya at walong boarders.
Umabot sa isang oras ang apoy bago ito naapula at
tinatayang nasa mahigit P 50 thousand ang inisyal na halaga ng mga ari-ariang
naabo.
No comments:
Post a Comment