Pages

Wednesday, February 27, 2019

12 bahay naabo sa nangyaring sunog sa Bolabog

Posted February 27, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay hinggil sa nangyaring sunog kagabi sa Zone 5 Bolabog Extension sa Barangay Balabag .

Ayon kay Fire Inspector Lorna Parcillano, alas syete sing kwenta sila nakatanggap ng tawag na nasusunog ang mga bahay at  na boarding houses sa nasabing lugar.

Sa pag-responde ng mga bombero at ibang fire volunteers kumakalat na ang apoy sa mga kabahayan dahil gawa ito sa light materials.

Bukod pa rito dahil rin umano sa dala ng malakas na hangin, nasunog ang nasa itaas na bahagi ng bukid sa likurang bahagi ng Q lodge subalit naapula rin nila ito kung saan wala namang istraktura napinsala.

Kaugnay nito, base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, totally burnt ang labing dalawang bahay sa nangyaring sunog.

Tinatayang nasa kabuuang 36 ang apektado sa nangyaring sunog kabilang na dito ang sampung pamilya at walong boarders.

Umabot sa isang oras ang apoy bago ito naapula at tinatayang nasa mahigit P 50 thousand ang inisyal na halaga ng mga ari-ariang naabo.

No comments:

Post a Comment