Malay, Aklan - Sumentro sa pagbibigay ng paalala at
kahalagahan ng serbisyo sa tao ang ginawang “Peace Covenant Signing” ng PNP at
COMELEC sa mga tumatakbong kandidato sa Malay para sa nalalapit na 2019 Midterm
Election.
Sa isang mensahe, ayon kay COMELEC Aklan Election
Supervisor Atty. Elizabeth Doronila, magsilbi sanang leksyon as lahat ang
nangyaring pagpasara sa Boracay para pagbutihin ang pamamahala sa Malay.
“Huwag niyo ng bigyan ng rason na muling magluksa ang mga
tao sa Boracay”,ito ang pahayag ni Doronila sabay paalala na gamitin ng wasto
ang biyayang bigay ng isla.
Alam din dapat ng bawat isa kung ano ang layunin nila sa
pagtakbo at nararapat na unahing pagsilbihan ang taumbayan bago ang personal na
interes.
Bago nito ay nagkaroon muna ng unity walk bago nagsagawa
ng misa si Rev. Fr. Harvey Fojas sa kabuuang 30 kandidato ng Malay.
Samantala, pinayuhan naman ni Malay PNP OIC PSupt.
Antonio Dizon ang mga politiko na kumuha ng Certificate of Authority sa COMELEC
bago armasan ang mga bodyguard para hindi hulihin ang mga ito dahil sa
nagpapatuloy na gun ban.
Ang “Peace Covenant Signing” ay aktibidad bago ang
eleksyon na inisyatibo ng PNP katuwang ang COMELEC, PPCRV, Media, at ilang
civil society group para maatim ang malinis, payapa, at patas na halalan.
#YesTheBestBoracayNEWS
No comments:
Post a Comment