Pages

Friday, January 25, 2019

COMELEC pinayuhan ang mga politiko sa Malay na huwag bigyan ng rason na muling magluksa ang Boracay

Posted January 23, 2019

Image may contain: 5 people, indoorMalay, Aklan - Sumentro sa pagbibigay ng paalala at kahalagahan ng serbisyo sa tao ang ginawang “Peace Covenant Signing” ng PNP at COMELEC sa mga tumatakbong kandidato sa Malay para sa nalalapit na 2019 Midterm Election.

Sa isang mensahe, ayon kay COMELEC Aklan Election Supervisor Atty. Elizabeth Doronila, magsilbi sanang leksyon as lahat ang nangyaring pagpasara sa Boracay para pagbutihin ang pamamahala sa Malay.

“Huwag niyo ng bigyan ng rason na muling magluksa ang mga tao sa Boracay”,ito ang pahayag ni Doronila sabay paalala na gamitin ng wasto ang biyayang bigay ng isla.

Alam din dapat ng bawat isa kung ano ang layunin nila sa pagtakbo at nararapat na unahing pagsilbihan ang taumbayan bago ang personal na interes.

Bago nito ay nagkaroon muna ng unity walk bago nagsagawa ng misa si Rev. Fr. Harvey Fojas sa kabuuang 30 kandidato ng Malay.

Samantala, pinayuhan naman ni Malay PNP OIC PSupt. Antonio Dizon ang mga politiko na kumuha ng Certificate of Authority sa COMELEC bago armasan ang mga bodyguard para hindi hulihin ang mga ito dahil sa nagpapatuloy na gun ban.

Ang “Peace Covenant Signing” ay aktibidad bago ang eleksyon na inisyatibo ng PNP katuwang ang COMELEC, PPCRV, Media, at ilang civil society group para maatim ang malinis, payapa, at patas na halalan.

#YesTheBestBoracayNEWS


No comments:

Post a Comment