Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Muling gagamitin ang kahabaan ng long beach bilang
daungan ng mga bangkang papasok at palabas sa nalalapit na pagbubukas ng isla
sa Oktubre 26.
“Gaya ng nakasanayan dati muli nating gagamitin ang front
beach sa re-opening ng Boracay”, ito ang saad ni DENR Sec. Roy Cimatu sa
isinagawa nilang inspection nitong nakalipas na araw kasama ang DPWH.
Kinumpirma rin ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang ng makapanayam sa Boracay Good New na dahil sa sitwasyon ng
“kalsada”, ito ang kanilang napagkasunduan ng Boracay Inter-Agency Task Force.
Aniya, mahirap gamitin ang kalsada lalo pa at tuloy ang
trabaho ng DPWH.
Sa pagsasalarawan ni Maquirang, hiwalay ang pila ng mga
sasakay ng bangka kung saan ang mga workers ay sasakay sa reclamation area
patawid ng ManoManoc Cargo Port.
Ang mga turista at residente ay pwedeng sumabay sa isang
bangka at idadaong saan man sa Boat Station 2 at 3.
Ang mga pribadong sasakyang pandagat ay maaaring dumaong
sa area ng BTR sa Sito Sinagpa, Balabag.
Kaugnay nito, payo ni Maquirang, mas mainam na dala-dala
ang mga ID para malaman kung saan pwedeng sumakay at para wala ng abala.
Samantala, biberipikahin din ang mga turistang papasok sa
port area para malaman kung compliant hotel ang kanilang accomodation sa
Boracay.
#BoracayReOpening
No comments:
Post a Comment