YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 26, 2018

LGU Malay wala pang guidelines kung paano ipamahagi ang E-Trikes ng DOE

Posted September 24, 2018

Image may contain: 1 person, sittingSa ngayon ay wala pang guidelines ang Lokal na Pamahalaan ng Malay kung paano ipamahagi ang mga e-trike na donasyon mula sa Department of Energy.

“Kailangan muna naming tingnan ang papel bago pirmahan at tanggapin ni Mayor Ceciron Cawaling”, ito ang tugon ni  Aguirre Executive Assistant IV nang matanong sa Boracay Good News kung ano ang gagawin oras na ma-turn over na ang nasa 200 units ng E-trike.

Bagamat go-signal na lang ng LGU-Malay ang hinihintay ng LTFRB-6, ani Aguirre nais muna nilang aalamin ang mga kondisyones na nakapaloob sa dokumento at kung ito ba ay totoong libre.

Nang matanong kung sino ang dapat makaka-benepisyo nito, aniya dapat ang mga may prangkisa lang ang dapat mabigyan nito.

Ikinukonsidera ng LGU na kailangan maingat sila dahil ang ibang franchise holders at operators ng BLTMPC ay kaka-utang lang ng e-trike mula sa iba’t-ibang suppliers na binigyan akreditasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Kung maaalala, inihinto na ang pagbibigay ng franchise sa mga tricycle operators sa Boracay at sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 260 ang may prangkisa ayon sa BLTMPC.

Nitong nakaraang linggo, inanunsyo ni LTFRB 6 Regional Director Richard OsmeƱa na handa na nilang i-turn over ang mga e-trikes para mahabol na maipasok sa Boracay bago ang re-opening.

No comments:

Post a Comment