Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Payapa at walang naiulat na unto¬ward incidents sa
nangyaring Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahapon sa isla ng
Boracay.
Ayon kay Police Senior Superintendent Jesus Cambay Jr.,
Metro Boracay Police Task Force Commander, peaceful o naging mapayapa at walang
naitalang anumang karahasan ang katatapos na eleksyon sa isla.
Ilan umano sa mga reklamo na kanilang naririnig ay ang
pagkakainitan ng mga supporter’s sa social media o facebook pero normal ito na
nangyayari.
Pagdating naman sa opisina ng COMELEC, sinabi ni Comelec
Officer III Elma Cahilig na karamihan sa mga nai-refer sa kaniya na mga
concerns ay ang pagkawala ng mga pangalan ng botante subalit wala naman silang
naitalang mga reklamo kagaya ng vote buying hinggil sa election sa buong bayan
ng Malay.
Kaugnay nito, kahit tapos na ang eleksyon tuloy-tuloy
parin ang ginagawang pagbabantay ng kapulisan kaugnay parin sa anim na buwang
rehabilitasyon ng isla.
No comments:
Post a Comment