YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 16, 2018

Phase 2 ng DPWH Road Widening Operation sa Boracay, inumpisahan na

Posted May 16, 2018
Yes The Best NEWS --- Inumpisahan na ng DPWH ang pagtibag sa Phase-2 na mag-uumpisa sa Sitio Pinaungon papuntang Barangay Yapak na bahagi ng road widening project ng ahensya sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng isla ng Boracay.


Halos kumpleto na ang ginawang clearing operation sa Phase-1 mula Cagban paakyat ng Pinaungon area na may habang 5.26 kilometer at pinondohan ng 490-M kung saan posibleng ilatag na ang mga drainage network at mga streetlights sa unang bahagi ng Hunyo.

Ayon kay Aklan DPWH OIC Engr. Noel Fuentebella, naging mabilis ang kanilang operasyon dahil bagamat na nagbigay sila ng notice of demolition ay kusa ng humingi ng tulong ang mga apektadong establisyemento na DPWH na ang magtrabaho ng demolition.

“Hindi kami nagtibag ng ayaw” ito ang sambit ni Fuentebella sabay sabi na lumapit na ang mga owners sa kanila para humingi ng schedule sa pagtibag.


Samantala, dahil 12-meters ang gagawing paglapad ng kalsada, ang madadaanan na mga portion na may bangin ay gagawan umano ng “slope protection” para stable ang roadway.

Sa ngayon, may koordinansyon na rin ang DPWH sa mga Telcos at utility providers kagaya ng AKLECO at PANTELCO para ma-relocate ang mga poste at utility lines para hindi maabala ang kanilang operasyon.

#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation
#DPWH

No comments:

Post a Comment