YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, April 24, 2018

300M budget Ng DPWH handa na para sa Road Widening sa Boracay

Posted April 24, 2018
Yes The Best Boracay NEWS ---Naglatag na ng plano ang Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay sa nakatakdang anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.

Image may contain: 4 peopleSa isinagawang Press Briefing, iprenisenta ni Engr. Fritz Ruiz, Focal Person at Chief Planning and Design Section ng DPWH-Aklan ang plano sa gagawing road widening na magsisimula sa Cagban Port hanggang Circumferential Road.

Sa inisyal na plano, tutulong ang DPWH sa LGU-Malay sa pag-demolish sa mga minarkahan nilang sukat para sa road set-back kung saan 6.2 kilometers ang unang tatrabahuin at gagawin ito section by section.

Ani Ruiz, inaantay pa ng DPWH ang Executive Order ng Pangulong Duterte para sa mas malinaw na rehabilitation plan subalit naglaan na umano ang ahensya ng 300 Million mula sa National Government.

Image may contain: 3 people, including Bordgy Bobong Garrido and Rufina VillaromanAminado rin ang DPWH na problema pa rin nila ang mga apektadong establisyento partikular sa 25+5 easement rule at hangad niyang makipag-coordinate ang mga ito upang magtuloy-tuloy ang rehabilitasyon para mapaaga ang soft opening ng Boracay.

Tatalima rin sila sa Malay Municipal Ordinance No. 131 Series of 2000 na ang sukat na susundin nila ay ang 6 Meters from the center of the road at hindi ang PD 1064 na may kabuuang sukat na 30 meters.

Samantala, inabisuhan na rin umano nila ang BIWC at BTSI na itigil muna ang kanilang mga proyekto at pipe laying gayundin din ang AKELCO at iba pang service provider na ilipat ang mga poste at wirings para sa mas mabilis na pagsasagawa ng road widening.

2 comments: