Posted April 23, 2018
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
In-extend ng Caticlan Jetty Port Management ang pag-issue
ng Terminal ID Pass hanggang araw ng Miyerkules, Abril 25.
Base sa ipinalabas na abiso, pinalawig na ang pagbibigay
ng Terminal Pass para may pagkakataon pa ang ilang manggagawang hindi
nakasingit sa mahabang pila nitong
nakalipas na linggo.
Sa panayam ng himpilang ito kay Caticlan Jetty Port
Special Operation III Jean, marami-rami pa rin ang bilang ng mga hindi pa
nakakakuhang workers ng naturang ID Pass kahit na ginawa ang proseso sa dalawang Jetty Port.
Samantala, ipinapabatid din ni Pontero sa publiko na
simula ika-26 ng Abril, ang schedule ng Bangka at Ferry Boats papuntang Boracay
ng mga residente at workers ay mula lamang alas-sais ng umaga hanggang
alas-sais ng gabi habang ang mga residente naman ay alas-sais ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi.
Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay inilabas ang
notice na ang huling araw ng pag-iissue nito ay hanggang alas-singko ng hapon
ng Abril 22.
No comments:
Post a Comment