Posted July 18, 2018
Boracay Island - Isang bangkay ang nadiskubre nitong
Miyerkules ng umaga sa wetland portion ng Sitio Ambulong sa ManocManoc matapos
itong ipaalam ng isang concerned citizen sa mga otoridad.
Photo Credit - PO1 URETA, PNP |
Sa pagdating ng rumespondeng pulis, tumambad sa kanila
ang isang bangkay ng lalake na tinabunan ng mga sanga at dahon ng nipa na
kalaunan ay kinilala ng kapatid dahil sa kaniyang kasuotan.
Ang bangkay ay kinilalang si Donie Manuel, 49-anyos ng
Sta. Fe Romblon at pansamantalang naninirahan at nagtatrabaho bilang construction worker sa Sitio Tulubhan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay PNP Sub-Station,
ayon sa nagpakilalang witness na si Sadam Nacionales Y Sta. Maria , noong
nakaraang Sabado ng madaling araw ay ikinuwento sa kanya ng suspek na meron
itong pinatay at itinapon umano nito ang bangkay malapit sa kanilang bahay.
Sinabihan pa umano siya ng suspek na “Kun hindi ka
magpati ayani bala to”, at ng makita ng witness ang bangkay ay binantaan umano
ito na siya ang isusunod kung
magsusumbong sa mga pulis.
Sa pagtatanong ng otoridad kay Nacionales, ang suspek ay
si Glemer Escasulatan y Pagayunan, 25-anyos, taga Dao Capiz at pansamantalang
naninirahan sa nasabi ring lugar.
Samantala, ayon sa kapatid ng biktima, noong Sabado pa
ito nawawala at nagtataka ang mga kasamahan nito dahil hindi na ito pumasok sa
kaniyang pinagtatrabahuan.
Ang bangkay ng biktima ay isasailalim sa Postmortem
Fingerprinting para malaman ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang
itinuturong suspek para mapanagot sa ginawang krimen.
#YesTheBestBoracayNEWS
No comments:
Post a Comment