YES THE BEST BORACAY News --Isang traning program ngayon ang nais ihandog ng TESDA sa
pakikipagtulungan ng Philippine Life Saving Academy para sa mga nagnanais na maging lifeguard.
Ang mga training na ibibigay ay Aquatic Lifesaver and
Pool Lifeguard Course-NC2 at Beach Lifeguard Course-#NC3 na ang ay
magtatagal ng lima hanggang sampung araw lamang sa bawat kurso.
Ayon kay PLSA President Gerardo Nobis Jr., inimbitahan
sila ng TESDA Aklan na pangsiwaan ang training program para sa
pag-professionalize ng mga lifegurds at pagbigyan ng oportunidad sa mga walang
trabaho na magkaroon ng mga kurso sa pagsagip ng buhay.
Proyoridad nilang masanay ang mga residente ng Aklan
upang magkaroon ng kabuhayan dahil inaasahan nila maging in-demand ang
lifeguards lalo na sa muling pagbubukas
ng Boracay.
Paglilinaw din ni Nobis na bukas ito sa lahat lalo na sa
mga marunong lumangoy subalit dadaan ang mga aplikante sa pre-entry assessment
para malaman ang kanilang competency o
kakayahan.
Paghikayat pa ng PLSA, dahil sinusunod nila ang national
regulation and standards ng TESDA at dahil sa internationally recognized training, ang mga magsisipagtapos ay maaaring makapag-apply abroad dahil magbibigay sila ng certificate.
Sa mga nais magpalista ay pwedeng pumunta sa PLSA sa St.
Vincent Resort, Philippine Coast Guard sa Cagban at Caticlan, Malay MDRRMO, PESO Malay at sa TESDA Aklan.
Inaasahan na magsisimula ang training sa buwan ng Hulyo
at gagawing ito per class o per batch.
Warns swimmers of improper activities or danger and enforces pool regulations and water safety policies. lifeguard class
ReplyDelete